Pagmumura
Ang tanga, gago, bobo at tarantadong salita ba ay isang pagmumura o isa lamang pagsasaad ng totoong kalagayan ng isang tao?
Hindi kaya nasanay lang tayo sa mga relihiyong ating nakagisnan na nagsasalita ng malumanay kaya ang tingin natin sa masasakit na mga salita ay isang hindi maka-Dios na gawain o hindi dapat salitain ng nagba-banal?
Tunghayan ang mga paliwanag sa bidyong ito.
Narito ang ilan sa mga halimbawa na ang ulol, babaing lamas na at patutot ay binabanggit din ng Kasulatan upang ilarawan ang isang tao sa ganoong kalagayan.
Prov 5:23 Siya’y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Lev 21:14 Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.
Ang masama ay ang paratangan mo ang isang tao na hindi naman ganun at hindi naman kung kanino lang nagpapaganon. Kahit na sa batas ng tao, kung ikaw ay dalhin niya sa hukuman, ay tatanggap ka ng kaparusahan sa pagbibitaw mo ng hindi angkop na mga salita.
yeah… nice post… i hate people saying bad words coz it really hurts.
Pero hindi ba minsan eh the truth hurts.