Home > Personalidad > Mga Walang Kaluluwa

Mga Walang Kaluluwa

NAKAKABAHALA ang mga balita tungkol sa mga Ampatuan ng Maguindanao.

Makita mo lamang ang mga naglalakihang bahay na naiulat sa pahayagan at telebisyon,  tunay na magarbo at marangya ang kanilang pamumuhay. Na lifestyle check ba sila?

Kung totoo nga na ang pamilya Ampatuan ang utak ng pamamaslang sa Maguindanao, maitatanong mo sa iyong sarili, bakit nagawa pa nila ito samantalang nasa kanila na ang lahat ng rangya sa buhay. Nalasing na ba sila sa kapangyarihan?

Mantak  mo,  mga sasakyan ang ginawang kabaong at backhoe ang tagahukay. Mas mayaman pa sila sa mga intsik, garapon lang katalo na. Garapon nga ba yun?

Ang mga abogadong magtatanggol ay apatnapu (40) samantalang ako, isang abogadong pulpol di ko kayang bayaran.

Tanong ko manong, wala na bang kaluluwa ang mga tao ngayon?

Mga likong umaapuhap lamang ng kagya’t na ginhawa kapagdaka’y kahungkagan at hapis din ang pala. Sa balintataw ng inyong isipan pakanasain tuwa’t ligayang himig dulot at kamal ng dalisay niyaring aral.

Get mo?

  1. December 4 at 1:31 am

    mamang blogista, nagngitngitngit din ho ako sa mga pumaslang sa 57 kataong iyon. mantakin mong pagbabarilin pa sa ari ang kababaihan? sana’y putulin din ang mga titi ng mga busabos na itong nagpakayaman sa pamamagitan ng paggatas sa kaban ng yaman.

    maari ko bang ikabit tong matapang ninyong blog sa aking site? salamat po!

    Like

    • kaspangarigan
      December 6 at 4:22 pm

      Okay lang Neil. Puede mong ikabit ito sa site mo.

      Siyanga pala, nabasa ko rin blog mo. Umasa kang malimit ko itong tutunghayan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: