Home > Politikal > Mahihirap

Mahihirap

Tutulungan ang mga mahihirap. Ito ang kalimiting isinisigaw ng mga Politikong nangangampanya. Karamihan ay may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, trabaho at pabahay ng mahihirap nilang mga kababayan.

Tuwang-tuwa naman ang mga pari, pastor at ang mga nagpupuno ng mga relihiyon. Gobyerno kasi ang uma-ako sa kanilang mga pagkukulang.

Sila kasi dapat ang nag-aalaga sa mahihirap nilang miyembro. Agapay lang ang gobyerno.

Tanong ni Manong, eh bakit naman sila ang dapat sisihin dyan?

Di ba mga kapatid nila yun sa pananampalataya? Bakit hindi nila ito kalingain? Kahit sa isang pamilya na may Tatay, Nanay at magkakapatid, hindi ba sila-sila dapat ang magtutulungan?

Kung ikaw ay isang mayaman na miyembro ng isang pamilya, hindi mo ba tutulungan ang iyong magulang at mga kapatid? Bakit ka lalapit sa kapitbahay kung ang solusyon ay nasa loob ng bahay?

Tanong ni Manong, baka naman wala silang pera para diyan?

Itanong mo yan sa mga Marino. Puro sila pakabig kamo, ayaw magpalabas. May pampagawa ng Kapilya¬† subali’t sa mahihirap na mga kapatid, wala?

Ano Manong, hirit ka pa?

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: