Home > Pamilya > Bakla Ka Ba?

Bakla Ka Ba?

Marami tayong isinusulong na panukula tungkol sa mga karapatan ng tao.

May mga grupo na nagsusulong nang karapatan ng mga bakla, silahis  at tomboy o tibo.

Hindi ba parehas lang ito ng nasa itaas? Maliban na lang kung ang palagay mo sa kanila eh hindi sila tao.

Ang tanong ni Manong ay, bakit, puede bang maging Presidente ng Pilipinas ang isang bakla?

Oo naman Manong! Puedeng puede. Sige papipiliin kita kung sino ang iboboto mo?

Isang  baklang matuwid o isang lalaking babaero?

Isang lalaking matuwid o isang baklang malaswa o nanlalalake?

Get mo ba? Moralidad pa rin ang batayan ng pagpili hindi sa kung ano ang kanyang kasarinlan.

Nguni’t kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa bayan o bansa?

Categories: Pamilya Tags: , , , ,
  1. December 7 at 7:26 am

    tama ka, wala po iyan sa kasarian, kundi nasa karakter, moralidad, disiplina, at husay. pero kung bading lang din ang ating magiging susunod na pangulo, keri lang. nagpapakita lang iyon na may pagkapantay-pantay nga sa ating bansa.

    Like

  2. December 10 at 1:22 am

    Masyado na ata tayong malayo sa taong 1950 para makipagtalo pa tungkol sa tamang pagtrato sa kapwa natin. Straight or gay. And sometimes it all comes down to our insecurities, or us being so attached with masculinity, or believing that being straight is better than being gay. Which is wrong in countless ways.

    Pero sa Pilipinas, mukhang malabo na magkaron ng lider na nasa ikatlong kasarian. Kung ang party list na Ladlad nga tinawag na ‘imoral’. Dapat muna natin sigurong linisin ang mga tao sa mas mababang posisyon, maghintay hanggang mawala na ang mga makikitid ang utak. Saka na siguro darating ang panahon.

    Like

    • kaspangarigan
      December 10 at 1:56 am

      Ang mga nangyayari sa mundong ibabaw ay paikot-ikot lang. tao noon, tao ngayon, bakla noon, bakla ngayon, masasama noon, masasama ngayon ay pare-pareho lang ang karanasan o mararanasan.

      Ano ba ang pagkakaiba ng baklang nanlalalake at lalaking nambababae. Pereho lang di ba? Parehas na immoral.

      The battle is between righteous & unrighteous. Ang pagtatalo tungkol d’yan ay walang katapusan hanggang sa magunaw na ang mundo.

      Mas pinipili ko lang hangga’t makakaya ko yung una kaysa huli.

      Ika nga, ang magtiis hanggang wakas maliligtas.

      Like

      • December 10 at 2:13 am

        Hmm. Siguro ang point ko eh nung mga unang panahon hindi pa malawak ang pang unawa ng marami. Gaya nalang ng pag perform ng Trephination sa mga taong may problema sa pagiisip, gaya ng pagsamba sa mga anito, at kung ano ano pa. Sa pag lipas ng panahon lumalalim ang pang unawa dahil sa mga bagong natutuklasan.🙂

        Like

      • kaspangarigan
        December 10 at 2:36 am

        Your point is accepted.🙂 Wag lang yung pagsamba sa anito. no no sa akin yun kasi may basehan ako dun.😦

        Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: