Home > Pamilya > Bukas Na Pintuan

Bukas Na Pintuan

Pauwi kami noon sa Pangasinan. Buong pamilya kasama. Dadalawin kasi namin ang nanay kong dumating galing ng California. Nag-uulyanin na daw at baka manumbalik kung kaming mga 10 anak niya ay naroon. Kaso 7 lang kaming andito sa Pilipinas, ang tatlo kasi ay nasa California, London at Alberta Canada.

Siyempre, bago iwanan ang bahay ng 3 araw,  ipinasara ko ang mga daluyan ng tubig hanggang sa metro, ang main switch ng koryente at ang  pinto sa likod at harap.

Sabi ko, Yung mga pinto ng kuarto iwanan ni’yong bukas. Napatitig ang dalawa kong anak na lalaki sa akin at ipina-ulit yung aking utos. Ano ulit yun Dad? Bakit iiwanang bukas?

Pampalubag yan sa galit mo kapag pinasok ng magnanakaw ang bahay.  Isang pinto lang kasi ang masisira alin man sa likod o harap pero ang 3 pintuan ng kuarto daratnan mong buo. Puwersahan kasing sisirain ng mga magnanakaw ang  mga pintuan na iyan kung nakasara.

Karagdagang kaalaman lang naman yan sa kasabihang mabuti na ang manakawan kay sa masunugan.

Minsan, ngitngit o galit man kung umiral sa panghihinayang may matitirang alaala para sa kaluwagan at kapanatagan ng kalooban.

O ayan Manong, get mo?

Categories: Pamilya Tags: , , , , ,
  1. December 8 at 2:32 am

    galing naman! ganun pala yun. pero bakit hindi mo subukang maglagay ng anti-burglar alarm. para makaresponde agad ang iyong neybors kung nakapasok na ang masasamang loob.🙂

    Like

  2. kaspangarigan
    December 8 at 2:55 am

    Ano ka ba Neil, madi-delay kaya ang pag-alis namin kung bibili at maglalagay pa ako nun.

    Joke lang! Thanks for the visit.

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: