Home > Nakaugalian > Ang Binyag

Ang Binyag

Nalalapit na naman ang pasko at ang ibig sabihin niyan ay katakot takot na namang gastusan.

Sino ba kasi ang nagpa-uso ng pasko eh ayon sa bibliya kung iyong pagtagni-tagniin ang mga kaganapan ay sa pagitan ng huling linggo ng Setyembre at unang linggo ng Oktobre siya ipinanganak.Ā  Ibase mo yan sa edad ni John the Baptist na 6 na buwan ang tanda kay Kristo. Di ba sa sabsaban siya ipinanganak habang wala ang mga hayop sa kural dahil nanginginain. Malamig ang Disyembre at nagyeyelo sa panahong yaon maliban na lang kung ang mga hayop ay kumakain ng yelo. Inaamin naman yan ng mga paring Katoliko na hindi Disyembre ipinanganak si Kristo. Di umano ay nakagisnan na o naka-ugalian na kaya kahit walang basehan e tuloy ang ligaya at sabi nila araw-araw naman ay pasko kaya sakop pa rin naman.

Teka nga, tutol ni Manong, Ano ba topic mo at napunta ka sa pasko? Parang gustong sabihin ni Manong, anong tinatanga-tanga mo diyan eh malayo pa ang pasko. Oy, malapit na kaya, ilang araw na lang.

Naalala ko kasi dahil nag-ninong ako sa binyag eh tanong ng pari tinatanggap mo ba si Kristo at itinatakwil mo ba si Satanas at ang lahat ng kanyang mga gawang masasama? Dapat kasi yung bata ang sasagot nun dahil siya yung binibinyagan subali’t tayo yung sagot ng sagot.

Naisip ko lang kasi, marami tayong ginagawang hindi masagot ng mapurol kong isipan. Sabi nga ni Gus Abelgas, “Sa pagpupursigi sa paghanap ng katotohan, gamit ang siyensiya, lohika at pagka-maparaan, ay humantong sa pagkalutas ng kasong tinututukannnnnnnnn”.šŸ˜€

Sabi ni Manong, bayaan mo na yun, kapag lumaki naman yung bata ay mag-aanak na rin yan ng binyag at masasagot na rin niya yung tanong nang maraming beses at paulit-ulit pa.

Atcheche! Sabi ng sosyal kong kaibigan, ew! Hindi si Ruffa Guttierez yan at hindi ako kilala nun!

  1. December 9 at 3:29 am

    alam mo sa kaso ko parekoy, tuwing krismas lang ako nagagawi sa simbahan. ito yung time na ramdam na ramdam ko ang Panginoon. nasa rurok ang aking pagiging Kristiyano tuwing Pasko, higit pa sa Kwaresma, Undas, atbp. selebrasyon/komemorasyong Pilipino hinggil sa relihiyon.

    “Atcheche! Sabi ng sosyal kong kaibigan, ew! Hindi si Ruffa Guttierez yan at hindi ako kilala nun!” – Kakatuwa naman ang linyang to, parekoy.šŸ™‚

    Like

  2. December 9 at 3:54 am

    Basta ang importante at pinakamahalaga sa lahat e di mo limot ang Panginoon at kilala ka niya, maliban na kung ikaw ay itinakwil na gaya ni Alejandro at Gimineo na ibinigay ni San Pablo kay satanas habang sila’y nabubuhay pa.

    Oy, ba’t ako naging serious bigla? Baka ma ICU ako diri.

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: