Home > Kaalaman > Malay Ko

Malay Ko

Sa dami ng mga krimen na nababasa ko sa pahayagan naiisip ko tuloy, may kaluluwa pa ba ang mga gumagawa nito? Tao ba sila o mga hayop?

Kung titignan mo kasi ang kanilang mga pagmumukha kapag sila ay nahuli na, ay para silang mga Anghel sa kabaitan na di makabasag pinggan.

Sabi ni Manong anong Anghel e mga demonyo yan na gumagawa ng mga karumal-dumal, kahindik-hindik at kakila-kilabotย  na pamamaslang nang mga taong walang kalaban-laban. Mantakin mong patay na nga e hinindot pinagpu-putol pa ang katawan at inilalagay pa sa iba’t ibang lugar para iligaw ang mga nag-iimbestiga.

Ano ka ba naman Manong, wala namang kaso yan kung patay ka na at wala ka ng ulirat. Putulin man yan, kainin man laman mo, isilid ka man sa drum at itapon sa dagat eh pare-pareho lang yan.

Bakit hindi mo pinapansin ang mgaย  intsik, hindi ba sinusunog yung patay? Patay na sinunog pa, hindi ba puede mong isama ito sa karumal-dumal? Ha? Anong legal na pagsunog ang sinasabi mo, Manong?๐Ÿ˜ฆ Meron ba nun?๐Ÿ™‚

Ang katakutan mo eh iyong pagkatapos kang patayin e puede kang ibulid sa impiyerno. At ang lumalang lang ang puedeng makagawa niyan at hindi nilalang na katulad sa mga tao.

Sa ano mang paraan,ย  kapag patay ka na, ay puede mong sabihin, Anong malay ko diyan!

  1. December 10 at 1:27 am

    Infairygodmother may point. Nabasa mo na ba ang ‘Cather in the Rye’? May isang linya don na ayaw ni Holden na bigyan sya ng flowers pag patay na sya. Sabi nya kase, ‘Who wants flowers when their dead? Nobody.’.

    Pero isa ako sa mga hindi naniniwala sa impyerno, kay satanas, sa anghel, at kung ano ano pa. Kung sa gagawin sa katawan ko matapos ako mamatay, ampangit naman ng iiwan kong huling image sa mga kamag anak ko kung hiwa hiwalay ako. Hehe.

    Like

    • kaspangarigan
      December 10 at 1:38 am

      Salamat sa iyong pagtunghay.

      Puede mong basahin itong blog na ito na may kinalaman sa pananampalataya.

      http://forachristian.blogspot.com/2009/12/dust-of-ground.html

      Regarding your image, ayaw mo nun para kang jigsaw puzzle na binubuo sa partisipasyon ng bawa’t isa. hehehe๐Ÿ™‚

      Like

      • December 10 at 2:17 am

        Nakup. Wag nyo na po akong pabasahin ng Christian posts. Aware naman ako sa pananaw at pinaniniwalaan ng Kristyano. Pinili ko lang maniwala sa mas tingin kong dapat paniwalaan. Pero sakin lang naman yun.๐Ÿ™‚

        Naisip ko yung mga pansara na kahoy sa tindahan na may number na nakalagay para malaman kung san dapat ilagay. Haha. Very creative talaga mga pinoy.

        Like

      • kaspangarigan
        December 10 at 2:34 am

        Mas lapat kasi kung may tanda. Kaya may numero.

        May mga kahoy kasing baluktot at hindi tuwid.๐Ÿ™‚

        Like

  2. December 10 at 8:19 am

    ako gusto ko pag namatay ako parekoy yung icremate ako. ayaw ko rin ng iembalsamo ako. nashare ko lang.

    anyway, dun sa mga kriminal na yun, sila ang mabubulid sa impyerno. ang mga mga matitino namang biktima, kahit putul putul na ang katawan e mapupunta naman sa langit. at heaven na heaven dun. maganda raw talaga.๐Ÿ˜€

    Like

    • kaspangarigan
      December 10 at 12:55 pm

      Maganda nga raw dun gaya ng nasusulat.

      Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

      Kaya nga ayaw kung kantahin yun bang: Gusto kong bumait pero di ko magawa!๐Ÿ™‚

      Like

  3. December 10 at 2:41 pm

    Walang dapat ikatakot kung alam mong tama ang ginagawa mo at di dapat matakot sa kamatayan sa kahit ano pa mang paraan dahil iyon ay simula pa lamang hindi isang katapusan.

    Like

    • kaspangarigan
      December 10 at 2:52 pm

      Correct ka dyan Rocky.

      Salamat sa pagdaan mo.๐Ÿ™‚

      Like

  4. December 10 at 3:20 pm

    Basta ako kapag namatay magpapacremate ako… jijijijiji… wala lang… kahit na may lupa na akong paglilibingan mas gusto ko pa ring macremate… jijijijiji… tungkol naman sa karumal dumal na pagpatay… no comment ako jan… jijijijijiji

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 12:19 am

      Bakit kaya maraming gustong ma-cremate?

      Nung mga unang panahon kasi ang mga kini-cremate e yung namatay nang may mga nakakahawang sakit at yung may mga nagawang karumal-dumal na kasalanan sa Diyos.

      Wala pa kasing binagong aral si Kristo tungkol dyan kaya ayaw ko muna sa cremation.

      Anyway parekoy, salamat sa pagdaan mo.๐Ÿ™‚

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: