Home > kuwento lang > Aso

Aso

May mga kapitbahay ba kayong may mga alagang aso? Hindi kaya kayo ang may alagang aso?😦

Mahirap maglinis ng tae ng aso ng iba. May mga tao kasi na mga baboy ang pag-uugali na pinakakawalan ang kanilang alagang aso sa gabi oΒ  madaling araw para dumumi kung saan-saan at ikukulong ulit sa umaga para di masita ng napirwisyo nilang kapitbahay.

Okey lang kung paminsan-minsan kang maglilinis, bayanihan spirit ba, pero kung ito’y madalas o araw araw mo nang gagawin ay hindi na nakaka-tuwa. At kung di mo mapigilan ang iyong sarili ay baka maihagis mo yung tae sa mukha o sa kanilang bubongan mapa-away ka lang o tumaas lang ang iyong high blood na siguradong di makakabuti sa iyo. Kaya, relax lang Manong.

Minsan, nasita ko yung katulong ng kapitbahay. Dala-dala kasi yung aso e dudumi sa harap ng bahay ko. Sabi ko huwag mo diyang padumihin maliban na lang kung lilinisin mo. Sumunod naman angΒ  tangang katulong, ang siste nagsumbong sa amo at ako’y sinugod. Pati katulong daw, pinapatulan ko. @#$%@$#&* Putang Ina Buti na lang hindi ako kalbohin kundi baka nalagas nang lahat. Pero dumami yung puting buhok ko dahil sa kunsume. Samo’t dalangin ko, harinawa, hindi ako masiraan ng ulo.

Kaya naman ngayon ako’y nananawagan, Krispin, Basilio, sabihin n’yo kay Sisa na Nanay ninyo, huwag kayong baboy kung mag-aalaga ng aso. Magpaka-baboy este tao kayo sa inyong kapwa tao.

Categories: kuwento lang Tags: , , , , ,
  1. December 11 at 2:13 pm

    alala ko dati, pagapak ko sa labas ng pintuan namin, may naapakan akong bomba. wala naman kaming alagang aso o pusa.tsk!

    haha naalala ko yung aso mo itali mo na sign. dapat palitan un eh, kung may aso ka, magpakatao ka.hehe:D

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 3:15 pm

      Oy, bagong sign yan ah.

      Pero feel ko mas mukhang epektib.πŸ™‚

      Salamat sa pagdaan mo, parekoy.

      Like

  2. December 11 at 5:46 pm

    kahirap naman sa atin…kaibigan dito sa italy pag may dala kang aso sa pamamasyal…dapat may dala ka ring supot…pagnapopo ang aso mo …aba’y dapat damputin mo ….may batas kasi dito….

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 6:02 pm

      Correct ka diyan. Mahigpit sa Italy at sa ibang bansa din.

      Only in the Philippines lang ang ganyan yata o mayroon din sa ibang Asian countries?

      Salamat sa pagdaan mo…kaibigan.πŸ™‚

      Like

  3. December 11 at 6:11 pm

    May alaga kaming aso pero hindi namin pinapalabas ng bahay kasi takot kame na awayin sya ng mga kapitbahay. Saka masagasaan na rin ng tricycle kase may isa kameng kapitbahay yung aso nila nasagasaan ng tricycle.😦

    Sa loob ng bahay tumatae si aso namen at lola ko ang naglilinis. Maarte ako eh. Haha.

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 10:09 pm

      Good to hear, makatao lola mo.πŸ™‚

      Siya ang may karapatang mag-alaga ng aso.

      Ibigay ko kaya sa kanya mga alagang aso ng kapitbahay ko. hehehe

      Like

      • December 12 at 2:19 am

        Nako tama na ang isa. Nahihirapan kameng patahimikin pag may bisita. Haha.

        Like

      • kaspangarigan
        December 12 at 2:32 am

        Mga piping aso lang ang ibibigay ko, kaya di maingay.

        Like

      • December 12 at 2:44 am

        Rakenrol naman sa smiley! Naramdaman ko ang lakas ng tawa nya. Hahahaha.

        Pipe? Baka magalit ang PAWS sayo nyan. Hehe.

        Like

      • kaspangarigan
        December 12 at 2:59 am

        Di naman siguro magagalit ang PAWS. Animal adoption nga ito eh. In fact baka may award pa ako. hehehe

        Like

  4. yiN
    December 11 at 9:02 pm

    Padaan poh hehe. Lagay kang camera dude taz kunan mo sa akto, tapos pakita mo dun sa aso para mahiya ang loko. Hehehe.. Mobile ako ngayon, add kita sa blogroll ko din pg ano noh.

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 10:11 pm

      Ano kah Yin, tagalinis na nga ng tatse, gagastusan ko pa?

      Di kaya masyado na siyang abuso? πŸ™‚

      Like

  5. hisnameisdencios
    December 12 at 7:47 am

    hahaha. kala ko may royal rumble na. lol buti na lang ang aso/pusa namin alam kung saan jejebs kasi dun namin sinanay sa malayo sa mga bahay-bahay.

    Like

    • kaspangarigan
      December 12 at 8:01 am

      Good trainor ha!

      Like

  6. December 14 at 12:28 am

    [May mga tao kasi na mga baboy ang pag-uugali na pinakakawalan ang kanilang alagang aso sa gabi o madaling araw para dumumi kung saan-saan at ikukulong ulit sa umaga para di masita ng napirwisyo nilang kapitbahay.]

    -parekoy, korek ka rito! may mga irresponsible pet owners talaga. yung aso nga ng kapitbahay namin, dun sa front garden namin lagi tumatae, aba, unfair naman un. nung una, napagbigyan, pero nung naulet, naykupo, nakatikim siya ng sita sa amin.

    may aso rin kasi akong alaga. at walang maipipintas sa akin ang aming mga kapitbahay. alas kwatro pa lang, bago ako pumasok ng opisina, hila-hila ko na ang aking alaga sa malayo at bakanteng lote para dun siya magbawas. at sa gabi naman, bago ako matulog, mga nasa alas onse ito, ako mismo ang magpapatae sa kanya. biruin mo, mga 200 metro rin ang layo nun pero keri ko kasi ganun talaga pag nag-alaga ka, di ba parekoy? kargo mo ang responsibilidad.

    sa kaso mo parekoy, may karapatan kang magreklamo laban sa mga pasaway at dugyot na pet owners.πŸ™‚

    Like

    • kaspangarigan
      December 14 at 1:28 am

      Lets drink to that! Sorry, bawal alak sa akin, kaya coffee na lang.

      Like

  7. March 13 at 1:53 pm

    tumaas ang highblood? sobra naman yun.πŸ™‚
    highblood na nga, tataas pa. tsk. ahaha! dapat tumaas ang bloodpressure.πŸ™‚ ayun. anyway, kami din. galit sa mga maperwisyong aso ng kapitbahay. actually, mukhang dinadayo pa itong compound namin ng mga aso from other streets para maki-dumi lang. wala naman magawa ang mga tao dito kasi walang nakakakita kung sinong baboy ang may ari ng mga asong namimirwisyo sa gabi.

    Like

    • kaspangarigan
      March 13 at 3:04 pm

      Oo nga, sino kayang baboy ang may ari ng mga asong namimirwisyo sa compound niyo sa gabi. Salamat sa pagdalaw kaibigan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: