Home > kuwento lang > Tindahan

Tindahan

Pinakamabilis na maitatayong negosyo ay ang Sari-Sari Store na kung saan maliit lang ang kailangan mong puhunan at sa maliit na espasyo ng iyong bahay ay mailalagay mo na ang iyong mga produkto.

Sa Subdibisyon nga bawal ang tindahan pero pinapayagan din huwag lang gagawa ng istruktura sa harap na makakasira sa kabuoang itsura ng pasads o facade sa englis. Maliit na paskil lang na “Ice for Sale” ay alam na ng mga naninirahan doon na may tindahan ka sa loob.

Ito rin ang pinaka-mabilis na makasira ng relasyon mo sa iyong mga kapitbahay, kaibigan, kumpare at kumare. Kasi nga’y kapag di ka nagpa-utang ay sasabihan ka ng “walang pakikisama” o “para ka namang di kumpare niyan?” o “para ka namang others”. Kahit lagyan mo pa ito ng malaking paskil na: “Your Credit is good but we need Cash”.😦

Sa mga bote lang ng softdrinks at beer ay mga di nagsasa-uli at kung lalagyan mo naman ng deposito ay katakot-takot na paninira ang aabutin mo.

Napaka-demanding pa ang bumibili, sapagkat isang candy lang o isang stick lang ng sigarilyo ay naku, kung makakatok, parang magigiba  ang tindahan mo.

Sabi ni Manong, di murahin mo o di kaya i-ampatuan mo di huwag kang magtayo ng tindahan eh puro ka reklamo.

Nai-kuwento ko lang naman kasi nga’y isinara ko na, hindi dahil sa wala akong puhunan kundi dumami kasi ang makikitid ang pag-iisip na nai-inis sa  hangarin kong kumita ng kaunti.

Di ninyo naitatanong e big time na ako ngayon. Computer Shop na lang, sosyal pa!  Ang paskil ko! No Pay No Play.

  1. yiN
    December 11 at 9:07 pm

    Eh yung bibili kunwari taz papapalit ng sampunlibo’ng buo malamang nixperience mo na din hahaha.. Patambay.=p

    Like

    • kaspangarigan
      December 11 at 10:15 pm

      Ay oo nga, nakalimutan ko.

      Mabuti na-alala mo.

      Hindi kaya, naging tindera kita noon Yin? Ba’t alam mo?🙂

      Teka, sampung libong buo? ba’t isang libo lang intrega mo, asan yung siyam na libo? Kupit mo? hehehehe.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: