Home > Kaalaman > Sa Totoo Lang

Sa Totoo Lang

Ang pagiging makatotohanan ay naituro ng ating mga magulang kahit noong tayo ay mga bata pa. Naalala ko pa nga ang sabi ng Nanay ko, Anak magsabi ka lang ng totoo kahit na masama ang ginawa mo di kita papaluin. Wala naman sigurong magulang ang nagsasabi sa anak na magsinungaling ka  lang ay may reward o pabuya kang kakamtin.

Kaya naman kahit sa ating pag-tanda ay dala-dala natin ang katangian at katwiran na iyan. Huwag kang sinungaling at ang lahat ng iyong sasabihin ay pawang katotohanan lamang.

Nguni’t saan ang hangganan nang pagsasabi ng katotohanan?

Ang mga salitang, kalbo, tanda, bungal, magnanakaw, puta, tanga, gago, tarantado, babaero, sugalero, lasinggero atbp ay mga salitang lapat sa taong gayon nga. Kung ito’y saliwa o ibang salita at hindi tugma sa pinatutungkulan ay gulo ang dulot nito. Baka nga demanda pa ang abutin mo.

Bawal mong tawaging ganon yung hindi nagpapaganon pero kung ganun siya di ba dapat siyang ganunin? Ewan ko sa ‘yo kung di mo getz, Manong.

Iba’t-iba ang klase ng tao. May taklesa, plastic at yung isa ay yung dedma lang.

Bakit nga ba tayo galit sa totoo at mas gusto pa natin ang binobola kaysa marinig ang katotohanan. Sabi nga ng kaibigan kong Bisaya, magpakatotoo ka Inday. Hindi si Annabelle Rama Gutierrez yan, di ako kilala nun.

Sabi ng isang taklesa: Ano ba naman yang damit mo? Ang tingkad ng kulay. Parang kurtina sa bahay.

Sabi ng isang  plastic, Oy, ang ganda naman ng dress na yan, at saka pinintasan pagtalikod.

Medyo mababaw lang ang example kong dress  kasi puede mong ikatwiran na depende yan sa tumitingin ng damit, pero ito ay very obvious kung maituturing na kapintasan nga ang totoong  pinag-uusapan.

Kapintasan o katotohanan, kung minsan mas mabuti pang manahimik, sa totoo lang.

  1. December 12 at 12:46 pm

    Nangilo ako sa mga mura. Haha.

    Kurek ka dyan, kadalasan mas mabuti talagang manahimik nalang. Marami lang talagang tao na hindi mapigilan mag comment, maganda o pangit, sa kahit ano. Parang pakiramdam nila hindi kumpleto ang araw ng iba hangga’t di naririnig ang panig nila. Deluded dude. Haha.

    Like

    • kaspangarigan
      December 12 at 2:07 pm

      Hindi kasi lapat sa iyo yung tanga kaya iba dating sa iyo. hehehe🙂

      Pero sa tanga parekoy, pag sinabi mong tanga siya, baka magpaturo pa sa iyo.

      Pero mas madaling turuan yung tanga kaysa gago. Yung gago kasi hindi tanga. Gago lang siyang talaga!

      Like

      • December 13 at 6:55 am

        Kurek, buti nalang gago ako. Este.. erase, erase. Lol.

        Like

  2. December 12 at 2:38 pm

    ehem muna basa ako dito bukas na bukas din….

    Like

    • kaspangarigan
      December 12 at 11:39 pm

      Thanks for dropping by.🙂

      Like

  3. December 12 at 11:48 pm

    aw, makatotohanan. palakaibigan ako pero kapag ang isang tao ay nakipagplastikan sa akin, kusa na akong lumalayo. naaawa na lang ako sa kanila dahil nakikita ko kung paano sila magbalat-kayo sa isa’t isa. di bale ng mag-isa ako basta wala akong nasasagasaang tao. pero minsan, lumalabas ang kagaspangan ng dila ko. di ko mapigilan na sambitin ang totoo na sila ay gago, sira-ulo, tarantado, walang modo, plastic at walang kwenta sa mundo.

    (paumanhin sa makakabasa ng kumento ko… kuya Kas, salamat sa dalaw sa blog ko. isinama po pala kita sa blogroll na sa gayun eh mas madalas akong makabasa ng mga malilikot mong imahinasyon. Maligayang Pasko sa iyo!)

    Like

    • kaspangarigan
      December 13 at 12:22 am

      Salamat sa pagtambay mo. Isinama rin kita sa mga Astig kong Website para kapag may pagkakataon sa iyo naman ako tatambay.

      Like

  4. yiN
    December 13 at 6:06 am

    halata mga ganung tao, isa lang talaga na-meet kong tao na ganun. as in polystyrotupperPVC talaga anamput.. hehehe. yaan mo na mga taong ganun. keep rolling lang tayo. salamat sa pag-add. add kita ngayon din hehe.

    Like

    • kaspangarigan
      December 13 at 6:46 am

      Yeah Yin, you’re right just keep rolling. Thanks for the add.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: