Home > Politikal > Basura

Basura

Noong September 26, 2009 Si bagyong Ondoy ay nanalasa at umulan nang kasing dami sa isang buwan na supply ng tubig sa kalakhang Maynila at karatig pook sa loob lamang ng ilang oras na nagtala ng malaking kapinsalaan sa ari-arian at kumitil ng maraming buhay.

At makalipas ang walong (8) araw, si bagyong Pepeng naman ang nanalasa sa kahilagaan ng bansa na lalong naka-dagdag sa kasalukuyang lugmok nang bayan.

Basura ang itinuturong dahilan na nagpa-bara sa mga daluyan ng tubig dahil na rin sa kapabayaan ng mga taong ayon sa mga nanunungkulan ay mga walang disiplina.

Alam niyo bang hindi  lang pera ang makukuha ngayon sa basura?

Itinayo sa lalawigan ng Rizal ang 14 na ektaryang methane plant, na makaka-likha ng hanggang 15 megawatts ng enerhiya mula sa mga nabubulok na basura. Kaya nitong magpailaw sa mahigit 15,000 tahanan.

Dagdag pa sa mapagkukunan ng enerhiya ay ang sa Galoc oilfields sa karagatang sakop ng Palawan. Tinatayang 17,000 hanggang 20,000 bariles ng langis ang maaaring makuha sa Galoc bawat araw o katumbas ng anim na porsyento ng kabuuang 300,000 bariles na pangangailangan ng bansa sa langis araw-araw.

Gandang pakinggan Manong, pero asan? Bakit di natin maramdaman. Ang taas pa rin ng singil sa koryente. Gising, galaw, galaw kayo dyan.

Asan na yung  Water Car ni Daniel Dingle? Pakialaman niyo na nang umasenso naman tayo. Matatalino ang pinoy kaya lang ang duda ko, naghahatakan silang pababa instead na magtulungan. Makakanta na nga lang. Anak ng alimango naman kayo.

  1. December 16 at 5:44 pm

    Meron akong napanuod sa news tungkol sa pag collect ng basura, tapos ibibigay sa isang government agency, kapalit ng pera. Hindi ko sure kung eto yung sinasabi ko, or sa Rizal ba yun. Pero I think anything naman that aims to lessen the waste or aims for a better waste management for the country will always be a good thing. For a third world country like the Philippines, efforts for these kinds of things should always be appreciated. Of course, kung walang kurakot na naggaanap.🙂

    Like

    • kaspangarigan
      December 16 at 10:43 pm

      Offer yun nang pamahalaan ng Rodriguez Rizal (40 percent discount) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kung maka-provide sila sa landfill ng at least 2,500 metric tons of garbage a day.

      The 40 percent discount for the MMDA would mean that the agency would only pay P360 per metric ton instead of the usual P600 per metric ton.

      Karaming basura yan na kailangan kaya sana mawala na yung mga basura na babara sa mga kanal at estero.😛

      Like

  2. December 17 at 2:17 am

    hello, hays naku.. ugali na siguru ng mga pilipinu ang crab mentality, sana naman wag ganun, kasi gustu din naman nating mabuhay ng maayus sa mundung ibabaw! bow!🙂

    thnx sa bisit sa bahay ko!🙂

    Like

    • kaspangarigan
      December 17 at 3:29 pm

      Bakit kaya ganun ano? Ewan, parang gusto ko tuloy maiyak.

      Like

  3. December 17 at 3:40 am

    oo nga nasan naba si dingle!?! bigla nalang syang nawala…

    Like

    • kaspangarigan
      December 17 at 3:31 pm

      Oo nga, asan na ba siya. Sayang naman ang inbensiyon niya kung mapupunta lang sa wala o pakikinabangan lang ng mga dayuhan.

      Coffee break muna, baka sakaling mag-appear siya.

      Like

  4. kaye
    December 18 at 6:57 am

    ganitong ke mahal na ng kuryente at gasolina, kelangan talaga may alternatibo tayo. kaso laging napapako sa pagpaplano kuno.

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 11:00 am

      Ay naku, sinabi niyo pa! Kailan kaya sila matututo? Paluin pa natin sila ng kaunti.

      Like

  5. December 18 at 11:01 pm

    maraming nasasayang na panahon…maganda sana kung masisimulan at maipagpapatuloy ang mga ito ng darating na bagong pamunuang pambansa…

    dalangin ko sana’y maging tuwid sila sa mamamayang Pilipino ng sa gayuh umasenso ang bansa.

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 11:54 pm

      Tama ka diyan. Buti pa ang taga-bundok may malasakit.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: