Home > Pamilya > Trabaho

Trabaho

Sa aming probinsiya sa Pangasinan, dalawa (2) lang ang alam na trabaho. Ang mag-sundalo o mag-trabaho sa abroad.

Kaya naman tatlo (3) sa aking mga kapatid ay nasa magkaka-ibang bansa  at tatlo (3) rin sa pamilya ang nag sundalo.  Dalawa (2) lang ang bukod ang naging trabaho dahilan sa inpluwensiya ng mga naging kaibigang taga Negros na ang hilig naman ay mamasukan na Seaman, yun bang may kinalaman sa Barko o paglalayag.

Sa mga trabahong nabanggit ang pagiging sundalo ang pinaka-mahirap. Bukod sa maliit ang sueldo ay buhay mo ang nakataya.  Kaya nga,  di ko papayagan hangga’t kaya ko na sundan ng aking mga anak ang mga naging yapak ko sa loob ng mahigit anim (6) na taong pakiki-paghamok sa Basilan at Jolo.

Ang problema ko ay ito: Yung bunso ko na ga-graduate ng High School ay gustong maging Pulis. Natilamsikan yata ng dugo kong sundalo kaya hayun gustong maging Woman of the Police este Police Woman. Sabagay, maliit pa ito ay nakakitaan ko na ng hilig sa baril. Itutok ba naman caliber 45 pistol ko sa ulo niya at kinodakan saka ginawang wall paper ng cellphone niya. Minsan nga habang nililinis ko ito, arborin ba naman sa akin, sa kanya na lang daw. Sabi ko naman, sige pag graduate mo ng College, sa iyo na. Ang ganda pa naman Manong eh pulis lang ang ambisyon. Ganda kaya Manong, tignan mo yung litrato sa itaas.

Sagot ni Manong:  baket porke ba maganda di na pedeng magpulis? Panget lang ba ang puedeng magpulis. Napa-isip tuloy ako, kung minsan may katwiran itong si Manong.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng kapitbahay ko sa kapitbahay namin. Anya, Yang anak mo na ubod ng ganda ay papuntahin mo sa Japan at siguradong mabibili yan ng Hapon. Yung anak mong si Kulasa ay mag-madre na lang o kaya papuntahin mo sa Amerika at gusto ng mga Amerikano ang panget.

Maka pintas naman itong si kapitbahay, siya nga gurang na eh. Nakasaba’t tuloy at bungad ko, wala iyan sa itsura, mapagmahal, mapagkakatiwalaan at maasikaso ang mga kababaihan natin kaya may plus factor sila kumpara sa iba. Ano ba ang masarap sa manok? Pabiro kong tanong! Di ba mas masarap yung native kaysa sa white leghorn? 😛

Naku nalalayo na tayo sa problema ko. Ang tanong ko ay ito: Kung kayo si Ama o Ina ng batang ito, papayagan mo ba siyang mag-pulis?

Categories: Pamilya Tags: , , , , ,
  1. yiN
    December 14 at 3:27 am

    base! hehehe! oo ganda po tito, hehehe.. san po kayo sa pangasinan? yung pamangkin ko criminology din. at babae siya. =) hayaan mo lang kung ano gusto. =p

    Like

    • kaspangarigan
      December 14 at 3:39 am

      Sa San Felipe, Binalonan, Pangasinan just after Urdaneta going to Baguio.

      Di ba taga Pangasinan ka rin. Saan ka dun?😛

      Like

  2. December 14 at 7:07 am

    Papayagan ko sya magpulis, pero hindi dito sa Pilipins.😛

    Wet lang, sya ba yang nasa picture? Baka pagtripan yan ng mga pulis. Haha. Or baka pagtripan nya ang mga pulis. Maganda ba si kapitbahay? Parang ang lakas ng loob nya mamintas eh. Hehe.

    Like

    • kaspangarigan
      December 14 at 11:36 am

      Siya nga yang nasa picture.

      Sa tapang at lakas ng loob e baka pagtripan nga niya ang mga pulis.

      Si, kapitbahay na namimintas, eh gurang na nga eh. Wala ng asim.😦

      Like

  3. December 14 at 12:12 pm

    ako, papayagan ko siyang maging pulis. kung talagan gyun ang gustto niya, bakit hindi di ba? tsaka para naman maging mabuting ehemplo siya sa ibang pulis dyan na puro kabulastugan lang ang ginagawa. well, sana lang.

    Like

    • kaspangarigan
      December 14 at 10:08 pm

      Korek ka diyan Badong.

      Salamat sa pag-tambay mo. Sana dalas dalasan mo naman para ma-inspire ako.

      Kaya lang na-iiyak ako sa desisyon mong payagan siyang mag-pulis.

      Like

  4. December 17 at 3:18 am

    Ang masasabi ko lang ay paliwanagan ng mabuti ng pros & cons…kung di magbago ang isip…ay suportahan…kung dun siya liligaya sa pagpupulis ay..suportahan ang kaligayahan ng mahal sa buhay.

    Baka talagang ang misyon niya sa buhay…ay maging isang kagalang-galang at mabuting pulis…na malaki ang maitutulong sa ating kapulisang babae.

    Like

    • kaspangarigan
      December 17 at 3:11 pm

      Salamat sa iyong payo. Pag-iisipan ko yan!

      Like

  5. December 17 at 3:43 am

    kung yun ang gusto payagan! why not! nasa tao din naman ang ikakaunlad nya sa larangang pinili nya! basta suportahan mo lang!

    somehow. nasa Genes pare! nasa genes! kaya hindi mo pedeng ipagkait heheh!

    **ganda ng police woman nayan! hahays!

    Like

    • kaspangarigan
      December 17 at 3:13 pm

      Thanks for the advice & the complement.

      Like

  6. kaye
    December 18 at 6:54 am

    ay sundalo po pala kayo. ang galing, blogger na sundalo.🙂

    ako po siguro matatakot sa gusto niyang pasukin kasi laging nakalagay sa alanganin ang buhay niya at to be honest, di maganda ang reputasyon ng kapulisan dito sa atin. pero kung ang mga katulad niya ang pagbabagong kailangan ng ating bayan, siguro, papayagan ko na.

    siguro idol niya si precious lara quigaman sa may bukas pa. hehe

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 11:02 am

      Sige na nga siguro. Kahit nai-iyak ako.

      Like

  7. December 18 at 10:56 pm

    Pangasinan po pala kayo… hehe.

    yung asawa kasi ng nanay ko na tatay ng mga kapatid ko eh sa Binalonan, Pangasinan din… the rest ng pamilya sa San Quintin at Baguio. Anway, baka kilala po ninyo mga Bentillo.

    on topic: ako, utol ko, nanay ko, aunty, uncle at kung sino-sino pang kamag-anak puro OFW. isang pinsan ko Pulis… naka-assign na sa Tarlac.

    ayun… ang pagiging Pulis ay wala namang hinihinging kapalit maliban sa dignidad at buhay mismo ng siyang nagnanais na magpatupad ng batas at magtuwid ng baluktot. nawa na ang nais ng maganda mong anak eh mabigyang katuparan kung ito talaga ang nais niya.🙂

    Like

    • kaspangarigan
      December 19 at 12:00 am

      Hindi ko gaanong ma remember pero sure ako alam nila yung Biado’s Fashion School yun bang katapat ng Oriel Vocational School sa bayan. Mga mayayamang Biado yun kami lang ang hindi.

      Tama ka diyan ang pagpu-pulis ay marangal na hanap-buhay nasisilaw lang ang iba sa pera sa hirap ng buhay.

      Saludo ako diyan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: