Home > Nakaugalian > Singsing

Singsing

Masyado na yata akong napag-iiwanan ng panahon. Nasabi ko ito sapagka’t may mga pagbabago akong nakikita na hanggang ngayon ay di ko matanggap. Ito ay ginagawa ng mga kabataan at maging ng mga matatanda na walang pinagkatandaan na sa aking palagay ay di dapat gawin ng isang matino o normal na tao.

Dangan naman kasi, kapag sinabi mong singsing, engagement ring, wedding ring, college ring,  mai-isip mo agad yung iyong mga daliri sa kamay.

Pero makikita mo ngayon ito sa kung saan-saang parte ng katawan. Sa ilong, pusod, tainga, bibig, pisngi, kilay, utong o nipple at ang pinaka-grabe ay doon sa maselang ari ng isang tao.

Sabat ni Manong, hayaan mo na kung doon sila masaya. Mabuti na yan kaysa magbisyo o mag drugs.

Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

Kaya naman para sa akin, bagama’t ito’y inaaring matuwid ninoman, di ko ito ipinahi-hintulot sa aking mga anak sapagka’t alam ko na ito ay hindi nararapat maging sa luma o modernong kapanahunan.

Categories: Nakaugalian Tags: , , , ,
  1. December 18 at 6:46 pm

    Di rin ako sumasang-ayon bilang isang ama…mabuti na lang at wala sa mga anak ko ang gumawi sa mga gawaing ganyan.

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 10:28 pm

      Magka-isang puso tayo parekoy.

      Like

  2. yiN
    December 18 at 10:24 pm

    @kaspangarigan at superlolongpinoy
    Mga ‘tay, pag ako ba nagpa-lip ring papagalitan ninyo po ako?=p

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 10:30 pm

      Ano ka bahala nang tatay mo sa iyo. Magkakape lang kami ni superlolongpinoy habang pinagagalitan ka.

      Like

  3. December 18 at 11:06 pm

    haha… ang sagwa naman nun.🙂

    Yin Yang, sa ilong ka na lang magpalagay. haha!

    Like

    • kaspangarigan
      December 18 at 11:52 pm

      E di kasakit nun kapag sumabit. Iyak ka na lang Yin kung sakali.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: