Home > Kaalaman > Sino Ba Si Kristo?

Sino Ba Si Kristo?

Ilang araw na lang at Pasko na.Ā  Kaya naman naitanong ko sa aking sarili kung sino ba siya. Kilala na ba natin kung sino si Kristo?

Malimit nating sinasabi na Kristiyano tayo, pero maraming bagay pa na ukol kay Kristo ang hindi natin nalalaman.

Maliban sa kaalamang si Kristo ay namatay, nabuhay at magbabalik sa wakas ng panahon, may alam pa ba tayong ibang totoo?

Totoo ba na mahaba ang kanyang buhok na katulad ng nasa larawan? Bakit naman ipinagbawal ng mga Apostol sa mga lalake ang may mahabang buhok?

1 Cor 11:14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

Totoo ba na mahaba ang kanyang damit na katulad ng nasa larawan? Bakit naman niya ituturo sa mga Apostol na mag-ingat sa mga escribang may mahahabang damit?

Mk 12:38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan.

Totoo ba na kinatitisuran siya ng kanyang mga kapatid na babae?

Mk 6:3 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya’y kinatitisuran nila.

Totoo bang sinabi niya na hindi si Maria ang kanyang Ina?

Mt 12:46-50 Samantalang siya’y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya’y makausap. At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka. Nguni’t siya’y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid! Sapagka’t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.

Hindi ko ibig na kayo ay magulumihanan. Nais ko lamang mapansin ninyo ang mga katotohan na nabasa ko at natunghayan mismo sa aklat ng Panginoon. Masakit mang tanggapin pero eto ang nagdudumilat na katotohanang di mapapasubalian ninoman sapagka’t ito’y nasusulat at hindi ko ito gawa-gawa lamang.

Categories: Kaalaman Tags: , , , , , ,
  1. dencios
    December 21 at 11:49 am

    wow. very informative. yung iba ngayon ko lang nalaman. thanx for sharing bossing!

    Merry Christmas bossing!

    (under construction pa ang aking blog :D)

    Like

    • kaspangarigan
      December 22 at 2:49 am

      Oo nga Dencio. Di ko ma access blog mo. Akala ko may problem sa computer ko, hindi naman pala.

      Like

  2. December 21 at 12:04 pm

    hindi na importante sa akin kung anong itsura ni Kristo. basta buhay Siya sa puso ko. naks. hehe. merry christmas sir!

    Like

    • kaspangarigan
      December 22 at 2:48 am

      Sinabi ko din dati yan sa misis ko. Ayaw niya kasi na naglalasing ako.

      Wag mo nang pakialaman ang ginagawa ko basta importante eh love kita.

      Parang hindi yata logical, kasi kung mahal ko siya, hindi ko dapat ginagawa yung ayaw niya.

      Lumalabas na mas mahal ko sarili ko dahil ginagawa ko yung gusto ko na ayaw niya.

      Kapag follower ka ni Cory, suot ka yellow. Pag kay Villar ka suot ka orange. Pag kay Kristo ka……..

      Naku Badong, bahala ka na nga lang!šŸ˜›

      Like

  3. joe
    December 22 at 5:51 am

    napaka ganda ng mga punto mo kapatid. maari ko bang maitanong kung anong relihiyon mo o saang grupo ka nasasama?

    Like

    • kaspangarigan
      December 22 at 7:01 am

      Sa Bibliya ako kumukuha ng unawa at katwiran kaya dapat ang aking relihiyon eh iyong nakasulat din doon.šŸ˜›

      1 Corinthians 1:2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

      Kung mahilig ka nga palang magbasa ng english e tunghayan mo ang iba ko pang mga paskil sa http://forachristian.blogspot.com

      Like

      • joe
        December 22 at 7:59 am

        parehas pala tayo ng naaniban na relihiyon kapatid.šŸ™‚ salamat sa Dios!

        Like

  4. December 22 at 8:48 am

    SSD Kapatid na Joe. Sa lokal ako ng Antipolo.šŸ™‚ Dalawin mo naman ako dito sa blog ko paminsan-minsan. Happy PBK 25,26,27

    Like

    • joe
      December 22 at 10:27 am

      maligayang PBK kapatid. Salamat sa Dios!

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: