Home > Kaalaman > Langgong

Langgong

Langgong is an Ilocano word na ang ibig sabihin ay iyakin. Yang kaspangarigan nga pala kahit di ninyo tinatanong ay ilocano word din na ang ibig sabihin ay “for example”, “kung”, “if ever”.

Kailan nga ba ako huling umiyak? Kahapon lang ba, madalas o matagal na?

Naalala ko tuloy ang Daddy ko nung nabubuhay pa siya. Kapag isinasama niya akong manood ng pelikula ni Dolphy at Chiquito, nakikita ko siyang umiiyak. Ako naman eh wala lang, mas hilig ko kasi si Fernando Poe Jr, Tony Ferrer at Bernard Bonin. Malay ko ba sa drama ng buhay eh maliit pa ako noon.

Ang buhay daw kasi ay parang pelikula. Maliban sa nakaka-relate ka sa istorya, nababagbag ang iyong damdamin at naawa ka sa sinapit ngย  bida sa pelikula.ย  Ito ay may umpisa at may katapusan at ang malimit na ending ay: “And they lived happily ever after”. Kaya nga kapag namatay ang bida ay parang walang kuwenta yung pelikula.

Sa totoong buhay ay ganun din. Pagkatapos mong umiyak eh nakakaramdam ka nang gaan ng kalooban. Ang feeling ko kasi noon eh babae lang ang umiiyak at bakla o binabae lang ang mga lalaking umiiyak.

Lam 1:16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka’t ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka’t nanaig ang kaaway.

Ganun pala yun, isa pala itong paraan nang pagtawag. Umiyak ka nang umiyak para lumapit ang mangaaliw ng Dios nang ikaw ay guminhawa at mawalan ng kabagabagan.

Phil 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Sa tuwina nga na maramdaman ko ang kabalisaan at kabagabagan, ako nga’y iiyak at mananalangin maging araw-araw o maya’t maya kahit pa ako’y tawagin ninyongย  isang langgong.

Kayo oo nga ikaw? Kailan ka huling nagdasal nang umiiyak?

  1. December 23 at 12:39 pm

    Kayo oo nga ikaw? Kailan ka huling nagdasal nang umiiyak?

    >>> Last month????

    Kailan ako huling umiyak? >>> last Sat? Iyakin kasi ako hehe

    Like

  2. kaspangarigan
    December 24 at 2:51 am

    Ay langgong ka din pala. Hindi naman ako madalas. Kapag hinihingi lang nang pagkakataon.๐Ÿ˜›

    Like

  3. December 24 at 10:50 am

    *batok kaw mahina tapos sabay takbo* langgong! ^_^

    Like

    • kaspangarigan
      December 24 at 1:33 pm

      Ngeh, Antay ka lang hahabulin naman kita diyan sa lugar mo.

      Look isinama kita sa astig kong mga websites para ala kang kawala.๐Ÿ™‚

      Like

  4. December 25 at 1:15 am

    Ni-i ilocano ka met gayam kabsat. ilocano nak met. Awan met dakkes na no sumangit tay sagpaminsan ta tao tay garud. bumisita ka met diay blog ko no adda pannawen mo. >>>> http://www.tatakblogong.wordpress.com

    Like

    • kaspangarigan
      December 25 at 4:43 pm

      Wen sarungkarak nga kanayon iso ngarud nga innayon ko kadagiti Astig nga websites ko ngem saanmo kuma nga naynayonan ti naka ussob ta saanak nga agbuybuya ti kasta a banbanag.๐Ÿ˜›

      Like

  5. December 25 at 1:27 pm

    ang alam ko yung langgong eh loko loko!
    yun ang alam ko! kasi yun naman naririnig ko dito!

    kailan na nga ba ako huling nagdasal ng umiiyak? di ko na matandaan eh! pero alam ko meron! so malamang matagal na nga ata talaga!

    Like

    • kaspangarigan
      December 25 at 4:46 pm

      Puede rin na meaning ang loko loko pero mas malapit ito sa iyakin.

      Kapag iyakin kasi ang bata eh nagloloko yun.

      Thanks for the visit.๐Ÿ˜›

      Like

  6. yiN
    December 27 at 9:25 am

    Nieksperienz ko na din yan pero hindi naman umiyak, naluha lang. Brave ako eh! Walang masama dun, ang solemn nga tuloy nung panalangin=p
    maligayang pasko lakay!

    Like

    • kaspangarigan
      December 27 at 4:26 pm

      Tumambay ka pala dito! At tatlong beses ka pang umiskor ha!

      Kita kits tayo sa pugad mo. wait ka lang.๐Ÿ˜›

      Like

  7. December 29 at 4:02 am

    langgong pala ako! ilocano ka pala, ako din kaso hindi ako marunong magsalita dito na sa maynila lumaki eh.hahahah. yung mga kapatid ko marunong kaya kapag may sinesikreto sakin yuon ang ginagamit na salita.haha. matututo din ako niyan.๐Ÿ˜€

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: