Home > Pakikisama > Bubong

Bubong

Nagkaroon na ba kayo ng kasama sa bahay, katrabaho, kapitbahay o kamag-anak na mahirap pakisamahan?  Yun bang makita mo lang ang pagmumukha ay bad trip ka na sa maghapon.

Noong unang panahon kasi ay may iminumungkahing  pamamaraan nang pagpapalipas ng inis o galit sa isang tao.

Halimbawa, sa mahilig na makipag-away na babae ay ito ang utos.

Prov 21:19 Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.

Biro mo yun, mas mabuti pang nasa disyerto ka kaysa kasama ang ganyang klaseng babae!

At sa kaibigan naman ay ito ang utos.

Prov 22:24-25 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.

At kung ang iyong asawa naman ang problema ay ito ang utos.

Prov 25:24 Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.

Kainit naman nun, lalo na kung tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw kung siya’y magbu-bunganga sa loob ng bahay. Tapos di ko ma-imagine na andun ka sa bubungan. 

At ito ang hatol sa mga mahilig mang-inis o mang-asar. Minsan naiisip ko, gawin ko kaya ito!

Lk 17:2 Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya’y ihagis sa dagat, kay sa siya’y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.

Kaso naesep-esep ko na hindi naman ako maliit, matangkad nga ako at malaki pa ang tiyan kaya deadma ako. Di kasi, hindi ako yung binabanggit na “maliliit na ito” na natisod at naku! hindi ako kayang tisurin no.

Pero ngayon, ang dami na ng Mall na mapupuntahan o sinehan na mapaglilibangan. Puro airconditioned pa kaya madaling magpalamig ng ulo.

Ngunit kung ang paraan mo ng palamig ulo ay Golf o lahat ng outdoor. Wow man, sosyal nga mainit din naman at gaya rin nang pamamaraan noon.

Sabad ni Manong, sosyal ba yung papaluin mo yung bola nang pagkalayo-layo tapos susundan at hahanapin mo para lang isyut sa butas na maliit? Sa Basketball naman, ba’t hindi kumuha nang ibang bola kaysa pinag-aagawan yung iisa tapos manununtuk kapag hindi makaagaw. Di ba kainis?😛

Kayo, oo ikaw!  Papaano ka magpalamig ng ulo?

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: