Home > Personalidad > Dalangin

Dalangin

Bagong taon, bagong buhay, bagong pagkakataon.

Sa mga kapus palad at dahop sa lahat ng mga bagay, dalangin ko na suma-inyo nawa ang pagpapala at awa ng Panginoon at manatili sana kayo sa inyong pananampalataya na diyan kayo nama’y pinayaman.

Sa mga mayayaman na nananatili sa kanilang mga kayamanan, hindi ko hinahangad na kunin na kayo ni Lord. Lalong lalo na yung mga swapang at ayaw mamahagi ng kanilang kayamanan. Malasin nawa kayo sa inyong mga negosyo upang ang inyong mga kayamanan ay mabawasan at hindi na lumago. Na inyong maalaman na may Dios na pinanggagalingan nang lahat ng inyong tinatangkilik.

Rev 3:17 Sapagka’t sinasabi mo, Ako’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:

Bale ba’y sa dami ng pera ay di na malaman kung saan ilalagay. Andiyang bumili ng mamahaling kabayo tapos ilalagay sa kwadrang naka-aircon. Buti pa ang kabayo, ang aso, at ibang mga hayup pinalalamigan ng mga hinayupak na mayayaman na ito samantalang andaming mga mahihirap na nangangailangan ng tulong at kalinga. Mga hayup nga kayo dahil hayup at hindi tao ang kinakalinga ninyo.

Jer 9:23 Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan;

1 Tim 6:18 Na sila’y magsigawa ng mabuti, na sila’y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila’y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;

Kaya ang paulit-ulit kong dalangin para sa mga mayayaman na mga hidhid, dayukdok at swapang ay malasin sana kayo nitong 2010 upang maalaman ninyo na may Panginoon na Siya ninyong pagsusulitan.  Amen.

Magiging ubod ba sila ng yaman kung wala silang pagibig sa kayamanan? Mga kaibigan nga sila ng sanglibutan at mga kaaway ng Dios.

Jas 4:4 Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

  1. January 1 at 7:42 am

    Sana maisabuhay ng mga mayaman ang salitang ‘charity’….nawa’y makita ng mga mayaman ang Diyos sa mga mahihirap.

    At ….
    —“The real measure of your wealth is how much you’d be worth if you lost all your money. ” ~Author Unknown

    Happy New Year!

    Like

    • kaspangarigan
      January 6 at 6:23 am

      Tama ka diyan superlolongpinoy. Ang dapat sa mga yan ay silohin at iwasiwas ng ganito.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: