Home > Kaalaman > Baon

Baon

Dahil bagong taon at putukan ng putukan naisip ko ang Coup d’état or Coup for short at Kudeta sa Tagalog.

Nakikita ninyo ba yung naka ekis na mga bala sa katawan ni Rambo o ni Sylvester Stallone? Mga bala yun ng M-60 na hawak hawak niya.

Noong naglabasan kasi yung mga nag kudeta sa Makati noong ewan na taon at ayaw ko nang alalahanin pa, nakita yan nung kaibigan ko sa lahat ng sundalo nung naglabasan na sila at sumuko. Tanong niya bakit ang lalaki ng mga bala na naka ekis sa kanilang katawan eh M16 o Armalite lang naman ang karamihan nilang dala-dala.

Sagot ko sa kanya, papaano ba silang nagluluto o kakain eh wala ka namang nakikitang sako-sakong bigas na dala nila. Tignan mo isa-isa yung mga back pack niyan at makakakita ka ng tig-iisang kilo o mas marami pa depende sa tagal ng operasyon nila. Huwag mong hanapin yung pira-pirasong kaldero at hindi yun hinahati.

Ano ka? Are you drugs?

Ang baon nga pala niyan eh sardinas o pork n beans at isang lata para sa 2 sundalo. Kaya kung isang linggo ang operasyon nila eh idi-distribute yan sa lahat para magaan. At kung mapalaban yan pagkatapos ng 7 araw eh jungle survival na at suerte na lang kung mapadalhan pa sila ng pagkain.

Naalala ko tuloy yung sigaw ng sundalo ko na si PFC Orbon na taga Bicol. Sabi niya, Sir may tama yung kasama ko. Dali-dali ginapang siya para dalhin sa lugar ko only to find out na sauce pala ng sardinas at pork n beans yung tumutulo. Buwisit ka kako, balik ka dun.

Na snipe nga pala sa ulo si PFC Orbon noon din kaya dead on the spot siya. Nalungkot ako, atapang a tao hindi atakbo. Nakatayong umalis sa pamilya nakahigang bumalik.

Ano, hindi mo pa rin nakuha? Ihahagis yun sa may hawak ng M-60 kapag mauubusan na siya ng bala.

Hindi ba prinsipyo yan nang bahaginan upang ang kakulangan ng iba ay mapunan at at ang iba’y hindi mabigatan upang magkaroon ng pagkapantay-pantay.

2 Corinthians 8:13-15 Sapagka’t hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo’y mabigatan; Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay. Gaya ng nasusulat, Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.

  1. January 2 at 1:22 am

    Maraming salamat po sa inyong pagbisita sa blog ko.

    bagong wordpresser po pala kayo. welcome po sa mundo ng blogosperyo…

    Like

  2. January 3 at 5:52 am

    wow lalim na naman ng iyong mga sinabi! saludo ako sayO! salamat po sa pagbahagi ng kaalaman!!

    Like

  3. January 3 at 6:29 am

    may comedy rin pala kapag asa laban ang mga sundalo🙂

    Like

  4. doroastig
    January 3 at 8:51 am

    munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !

    Like

  5. January 3 at 10:53 pm

    kaspangarigan in visayan is for ehemplo, in english for example, tama ba ang meaning sir kaspangarigan?

    Napadaan dito sa haws mo galing sa bahay ni superlolo dahil medyo na attract lang sa pangalang…kapangarigan.

    Happy New Year!

    Like

    • kaspangarigan
      January 4 at 3:11 am

      Ayyyy.. Parehas pala ang Visayan sa Ilocano. For example nga ang meaning.

      Include kita sa astig kong websites. Salamat sa pag iskor mo.😛

      Like

  6. kaspangarigan
    January 6 at 6:21 am

    Sa inyong mga nag comment appear tayo diyan.

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: