Home > Pakikisama > Gawain

Gawain

Dali daling nagbihis si Manong ng kanyang pambahay, kagagaling lang kasi niya sa simbahan dahil nag-alay siya ng pasasalamat at panalangin  sa kanyang tinatawag na Panginoon.

Inuman blues na dahil beerday este birthday ng kanyang kumpare at dadalhan niya ito ng mamahaling alak. Nagkakahalaga ito ng hindi kukulang at hindi bababa sa mamahaling halaga.

Oyyy, nakatikim ka na ba ng alak o red wine na 0% ang alkohol? Mas masarap pala ito kumpara sa mga alak na nakakalasing. Minsan ko lang natikman ito at hindi ko maalala yung pangalan at dala kasi ito ng kumpare kong galing sa saudi.  Wa epek kasi sa akin noon ang walang alkohol kaya deadma ako. Hindi ko alam kung binili lang niya ito dito sa Pilipinas. Ano na nga ba yung brand name nun kung alam mo?

Balik tayo sa beerday este birthday. Nung umpisa ay masaya silang nag-iinuman subali’t nang  kalauna’y mga wild na sila.  Kagulo na at si Manong biglang nawala, tumalilis at umuwi ng kanyang bahay. Dala ng kalasingan ay napagdiskitahan ang asawa’t mga anak.

Good spirit nang umalis sa umaga, bad spirit nang bumalik sa hapon. Sagot ni Manong, depende yan sa nagdadala. Eh hindi mo nga madala. Magulo ka nga pigtapos.

Isip ko   at hoy parekoy, isip ka rin, kailangan ba talaga natin ang ganitong gawain?

Eph 5:18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu;

Ayun, ang inuman pala ay kinaroroonan ng kaguluhan.

1 Thess 5:22 Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.

Manong, kung hindi yan naituro ng simbahan mo, eh umalis ka na diyan asap. At kung naituro man pero ikakatwiran  mo na kung yung pari nga habang nagmimisa e umiinom din ng alak, malamang magiging pangangatwiran mo na may pagmamayabang eh AKO PA!

Proverbs 23:29 Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata?

Proverbs 23:30 Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.

Proverbs 23:31 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,

Proverbs 23:32 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.

Proverbs 23:33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.

Proverbs 23:34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.

Proverbs 23:35 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.

Alak pa!

  1. January 4 at 4:11 pm

    ay ttotoo mayroon pala nito sa bibliya?? naku pu.
    kanina lang uminom ako.haha:)
    guilty.tsk.

    happy new year po!

    Like

  2. January 5 at 5:22 am

    shalom!

    tama po ung mensahe at bilib ako sau kuya kasi nagagawan mo ng way para maka pg share k ng word of God.

    Like

  3. January 5 at 10:57 pm

    tama ka…ang alak ay para ilift-up ang ating spirits..sumaya ng konti….pero di kayang dalhin ang espiritu nito …iwasan!….kasi pag hindi dala nito ay kaguluhan sa buhay!

    hapi new year!

    Like

  4. kaspangarigan
    January 6 at 6:18 am

    @modernonglapis, @etchosera, @blurosebluguy.

    Salamat sa pagdaan niyo, at nadalaw ko na rin kayo bago pa ako tumugon.

    Nagustuhan ko mga comment niyo.

    Like

  5. January 6 at 2:38 pm

    alak, alak, hindi aku umiinum, good girl ako! nyaksss! hehehe

    Like

    • kaspangarigan
      January 6 at 4:01 pm

      Yan ang mabait na bata at dapat kang pagpugayan.

      Like

      • January 6 at 4:53 pm

        ahahaha, nice nman ng mga smiley mu, panu mu nigagawa yan?! hehehe, pa share naman, diko kasi alam ehh…🙂

        Like

      • kaspangarigan
        January 6 at 11:24 pm

        Madali lang ito. Pigtapos mong mag-reply. Log-in ka at punta ka sa edit ng reply mo then yung picture na inilagay mo sa mga blog post mo ay may img o url yun. Pag edit mo kasi may makikita kang b i link b-quote del ins img ul ol li code more.

        Kagaya nito pag send ko at tinatamad akong mag-edit ito lang ang makikita mo.🙂 😦 😆 😛

        Pero kung sinisipag ako di may ibibigay pa akong 3 flowers for you. Hindi yan I love you ha!…. I thank you yan.😛

        Like

  6. January 12 at 12:24 am

    drink moderately hihi.
    **hindi ako umiinom. plamis! ^^

    Like

    • kaspangarigan
      January 12 at 12:32 am

      Pansin ko nga! Natural na siguro yung nabubulol ka pati pag-type mo bulol eh!

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: