Home > Pakikisama > Sanay

Sanay

Bakit nga ba may mga tao na hindi tumatanggap ng pagbabago. Ika nga ‘wag mo ng baguhin, sanay na kasi ako diyan.

Minsan ako ganun lalo na sa pagtatrabaho. Ibinaba ko lang ang isang bagay, pagbalik ko ay nailigpit na ng iba. Nakakalat daw kasi eh nag cr lang naman ako sandali.

Yung pangkamot ay nasa ulunan ko lang para kapag kumati ang likod ko e madaling kuhanin at kapag ginamit nang iba at nailagay sa ibang lugar ay di ko na mahanap. Galit at nayayamot ako hindi dahil sa ako’y madamot kundi hindi kasi ibinabalik sa pinagkuhanan.

Napakaraming bagay na ayaw kong baguhin kung saan nakalugar, toothpaste, toothbrush, towel, sandals, shoes, damit, brief, pants at kung anu-ano pa.

Alam mo ba na yang toothpaste na yan e lagi kong pinipindut sa  itaas kaya ang ibang laman ay napupunta sa dulo.

Sinabihan na ako pero ganun pa rin ang style ko lalo na kapag nagmamadali. Nakasanayan na kasi dahil mas madali  at walang kahirap-hirap.

Ganun din ba dapat sa panampalataya?

Ang huwag at ang bawal ay ayaw nating sundin kahit alam natin na ito’y magaling na aral. At ikakatwiran natin na yung ginagawa natin ay resulta o naging bunga nang napakahabang LIVING tradition and we adhere to that tradition. Nakatigasan na kumbaga.

2 Tim 4:3 Sapagka’t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;

Kung bulag nga ang umaakay ay pareho silang mahuhulog sa hukay. Kaya kung maramdaman mo na inaakay ka na sa hukay e di humiwalay ka na. Ganyan ang dapat at matalinong pagpapasya.

Rom 12:9 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

Huwag sana tayong makisama sa mga taong ang kanilang Dios ay nasa kanilang mga nguso lamang.

Mk 7:6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

Jeremiah 17:10 Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa’t tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

  1. January 8 at 10:11 am

    matiigas ulo ko. pramis. naku, salamat po sa inyong mga bible verses! sobrang kapupulutan ng aral. wag po kayo magsasawa ha?🙂

    Like

    • kaspangarigan
      January 8 at 12:04 pm

      Ang layon ng aking paskil na may kinalaman sa salita ng Dios ay ang mga naliligaw ng landas sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon.

      Jas 5:20 Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

      Layon din naman nito ang pagpapatibay nang pananampalataya ng mga sumusunod at di naliligaw.

      Prov 3:12 Sapagka’t sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

      Maging ang saway ng pantas na mababasa sa mga bersikulo ay nakakapagpatibay.

      Eccles 7:5 Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao’y makinig ng awit ng mga mangmang.

      Salamat sa pagdalaw mo parekoy.😛

      Like

  2. January 9 at 9:42 pm

    Salamat sa iyong pagse-share ng salita ng Diyos. Marami mapupulot at matutunan sa inyo lalo na sa katulad kong naglalayag sa mundo na ito na pinapatibay ang pananampalataya sa Panginoong Diyos.

    Like

    • kaspangarigan
      January 9 at 11:10 pm

      Tama ka sa sinabi mong paglalayag sapagkat hindi tayo dito laging mamamayan. Ang buhay nati’y doon sa kabilang buhay atas ng ating Diyos na marangal.😛

      Phil 3:20 Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: