Home > Kaalaman > Pain

Pain

Bakit may masasamang tao, lasinggero, basagulero, babaero, sugalero, sinungaling, mayabang, magnanakaw, mamamatay tao, rapist, kidnapper at kung ano pang mga kasamaan?

Alam niyo ba na kung nasain mong maging masama e lalo ka palang magiging masama dahil ibibigay ka ng Dios sa isang mahalay na pagiisip.

Romans 1:28 At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;

Maiisip mo, ganun ba ka-brutal ang Dios at tayo’y kanyang nilalagyan ng pain para ka matukso?

James 1:13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya’y tinutukso, Ako’y tinutukso ng Dios; sapagka’t ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:

Ang tao ay natutukso o nahihikayat ng kanyang sariling masamang pita.

James 1:14-15 Kundi ang bawa’t tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.

Maaaring may pagkakataon  minsan  na natukso ka dahil dinaya ka ni  Satanas  pero lahat ba dapat ng pain ay sasagpangin mo?  May mga gawa ang tao na nanggagaling mismo sa kanyang sariling masamang pita o sariling kasamaan at hindi natin puedeng ikatwiran na tayo ay tao lamang na marupok kaya natukso sapagkat mayroon tayong kapangyarihan na magpasya.

Jas 1:12 Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka’t pagkasubok sa kaniya, siya’y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.

Pilosopong sagot ni Manong, eh bulate naman yang pain mo, bakit isda ba ako? Ikaw naman, props lang yan. Huwag mo siyang sasagpangin. Baka pati riyan e matukso ka eh hindi naman yan para sa iyo.

At kung nasain mo naman ang mabuti ay makakatanggap ka ng sakdal na kaloob.

James 1:17 Ang bawa’t mabuting kaloob at ang bawa’t sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.

Kung tayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa ating mga anak, gaano pa kaya ang ating Ama sa kalangitan?

Psalms 145:16 Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa’t bagay na may buhay.

Oo nga naman. Mga parekoy, nakakita na ba kayo ng ipis na namatay sa gutom?

Tignan mo siya, patay na pero malaki pa rin ang tiyan.

Categories: Kaalaman Tags: , , , ,
  1. January 10 at 10:59 am

    sir, sorry..feel ko lang sabihin

    Like

    • kaspangarigan
      January 10 at 12:29 pm

      Dapat nasa tama kang tiyempo at galaw.

      Salamat sa pagdaan mo parekoy.😛

      Like

  2. January 11 at 8:48 am

    at ang mga ipis kahit magkaroon ng atomic explosion at mabalot ng radiation ang buong mundo matitira ang mga yan sa balat ng lupa, nice job boss!

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 9:09 am

      Salamat sa pagdaan mo parekoy.

      Isa ka sa mga astig kong websites.😛

      Like

  3. January 11 at 9:32 am

    pain, natural lang yan! kaya may ganyan para malaman natin yung pagkakamali natin na maaring hindi na natin maramdaman ang pain sa susunud.

    o tukso, layuan mu ako!! toinks!🙂

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 9:48 am

      Ito lang yun para layuan ka ng tukso.

      James 4:7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

      James 4:8 Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.

      Para yan sa mga torn between two lovers yun bang mga may dalawang akala.

      Yun bang mga umaawit ng “Sana Dalawa Ang Puso Ko” eh dalawa na nga kaya. Dahil kung isa lang ang puso niya di isa lang ang mahal niya?

      Salamat sa pagdalaw mo.

      Like

  4. January 11 at 12:47 pm

    at may mga taong nagigising, natatauhan o dili nman kaya ay tumatambling sa mga entry mo Kuya. Pasensiahan na lang di ba..wahaha

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 1:07 pm

      Huwag lang akong batuhin kagaya ng ginawa nila kay Jesus.

      Jn 10:32 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?

      Ako’y nagsasalita ng hindi sa aking ganang sarili. Nagko-quote lang naman ako di ba?

      Bato bato sa langit ang tamaan bukol.

      Like

      • joe
        January 15 at 5:07 am

        hahaha. bato bato sa langit ang tamaan, sapul bro.🙂

        Like

  5. January 11 at 1:41 pm

    may mga tao na lasenggo kasi masarap ang pakiramdam kapag may tama ng alak..isa pa ang mga ganito ay namana lang o nakasanayan dahil sa mga naunang tao na gumawa ng ganun hindi pa man tayo isinisilang..

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 2:13 pm

      Kung masarap e bakit kung may tama na ay nagpa-promise na di na siya iinom pa kahit kailan.

      At ba’t naman may chaser pa kung talagang masarap.

      Mabuti kung inihaw na bangus at nasa sawsawan ang sarap lalo na kung may sili at akikoman.😆

      Like

  6. January 11 at 1:43 pm

    ang pagsugal naman ay dalawang dahilan lang..una madami ang pera at okey lang kung matalo man..pangalawa nagbabakasakali na manalo..

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 2:20 pm

      Ang paglalasing at pagsusugal ay mga gawa ng laman at maituturing na mga kalayawan.

      Gal 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

      Gal 5:20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

      Gal 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

      Pansinin ang mga kalayawan at ang mga katulad nito, kasama diyan ang Shabu, Marijuana at kung ano anong bisyo.

      Like

  7. January 11 at 1:43 pm

    can we exchange link..add me in your blog list and i will add you..sabihan mo ako kung ma add mo na ako..thanks..

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 2:00 pm

      Na add na kita parekoy.

      Sana add mo rin ako. Thanks for dropping by.😛

      Like

  8. January 11 at 2:57 pm

    salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog blog list mo..add din kita..

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 3:14 pm

      Okey na Arvin. Nakita ko na yung blog ko sa blog list mo.

      Thanks parekoy be happy.😆

      Like

  9. January 11 at 4:17 pm

    ay ewan ko ba kung bakit ganito ang mundo. kahit ako hindi ko mapigilang uminom.

    Like

    • kaspangarigan
      January 11 at 4:28 pm

      Jer 10:23 Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.

      Malibang sawayin siya ng Panginoon ay walang taong makakapagtuwid ng kanyang mga bisyo o hakbang.

      Prov 16:9 Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni’t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.

      Kaya nga hindi mo kayang mapigilan ang iyong sarili na uminom o manigarilyo kaya. Ilapit mo yan sa KANYA, sure ako tanggal yan.

      Add kita sa Blog roll ko. Masaya ako sa pagdalaw mo.

      Like

  10. January 12 at 2:17 am

    Good Morning Sir ^^

    Ang sakit ay parte lamang ng ating buhay… ibinibigay ito sa atin ni Hesus upang tayo ay lubos na matuto at matatag sa mga hamon ng buhay.

    Marami po akong natutunan tungkol sa salita ng Diyos sa inyong post na ito. Lahat ng iyan ay aking isasapuso at isasabuhay🙂

    Like

    • kaspangarigan
      January 12 at 2:25 am

      Tama yan sapagkat ang salita ng Dios ay buhay.

      2 Tim 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

      Gal 6:9 At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

      Masaya masaya ako sa iyong pagbisita.

      Hi5 tayo diyan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: