Home > Kaalaman > Gayak

Gayak

Napansin mo ba ang mga suot nila? Puede ba silang magpalitan ng damit?

Deut 22:5 Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

Marami kasi ang nagsasabing ang kasuotan ng mga lalaki at babae noong unang panahon ay ibang iba kaysa mga kasuotan ng makabagong henerasyon.  Ang mga Gladiator nga na napapanood ko sa Sine ay naka-palda at naka-robe pa nga. Sa panahon kasi ni Jesucristo ay ito ang utos.

1 Tim 2:9 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;

Gusto ng Dios na ang kanyang nilikha ay magbihis o kumilos ng ayon sa kanyang pagkakalikha o kasarian. Pakikialam kasi ito at pagka-walang respeto. Para bang sinasabi mong mas magaling ka pa sa Kanya at binabago mo ang Kanyang mga gawa.

Leviticus 19:19 Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba; huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot.

Maaaring marami ang tututol at magpapahayag ng magkakaibang pananaw patungkol dito.

Ngunit ito ang aking opinyon; anomang panahon, noon o ngayon, may mga ginagawa at isinusuot ang mga babae na di dapat gawin o gayahin ng mga lalaki at vice versa.

Hindi pa pinag-uusapan dito ang mga nakabihis ng malalaswa na siyang pinanggagalingan ng kalibugan masamang isipin.

Mt 18:7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka’t kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa’t sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!

May mga mata kasing puspos ng pangangalunya. Huwag mo namang sabihing di ka lilibugan makakaisip ng masama kong makakita ka nang halos hubad na at kita na ang kuyakot.

2 Pet 2:14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,

Naisip ko lang, paano na yung mga unisex clothing? At yung nagpa-sex change na lalaki dahil ang isa sa mga maraming dahilan ay gustong magsuot ng damit na pam-babae?

Eccles 7:29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni’t nagsihanap sila ng maraming katha.

Hindi naman siguro bawal ang kumatha, siguraduhin lamang natin na hindi ito lalabag sa aral ng poong lumikha.

1 Cor 10:23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

Categories: Kaalaman Tags: , , , , , , ,
  1. January 20 at 10:03 pm

    Well, may tinatawag na unisex tulad ng pantalon at t-shirt. Kaya babae man o lalaki ay maaring itong isuot, ngunit pagdating sa talagang pambabae tulad ng gown at bestida natural naman sigurong masagwa tingnan sa lalaki. Pero para sa akin, lahat may karapatang gawin ang nais nilang gawin basta wala silang ipinapahamak na ibang tao.

    Like

    • kaspangarigan
      January 20 at 11:21 pm

      Tama ka diyan WildCat. Mas matindi kasi ang parusa kung may matitisod o ipapahamak kang tao dahil sa iyong sariling kapabayaan.

      Lk 17:2 Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya’y ihagis sa dagat, kay sa siya’y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.

      May mga babae kasi na ang katuwiran ay bayaang lumuwa ang mata ng mga lalaki sa kasisilip. Ay, wala na palang sisilipin almost exposed na nga pala.

      Like

  2. January 21 at 2:09 am

    tama sa henerasyon now, iba iba na ang mga kasuotan ng mga babe at lalake,may mga daring at iba naman conservative.

    Like

    • kaspangarigan
      January 21 at 2:23 am

      Mismo.

      Isipin natin, kung ang Madre ng Katoliko ay conservative at ang kanilang suot ay suot ng nagbabanal bakit ang miyembro hindi ganun ang suot.

      Bakit sila lang ba ang may karapatang maging banal?

      At sa lalaking pari naman ay mahabang damit, kung yun ang anyo ng isang banal, bakit ang miyembro hindi ganun ang suot.

      Bakit sila lang ba ang may karapatang maging banal?

      Pinapagingat nga tayo ng Bibliya sa kanila.

      Lk 20:46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila’y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;

      Tanong ko. Sino ba ngayon ang ganyan? Di ba mga pari yan ng katoliko at muslim at iba pang relihiyon na may mahahabang damit?

      Naku lagot ako nito. Ang sakit pa namang pakinggan ang totoo.

      Like

  3. January 21 at 8:48 am

    wwahahaha, no comment! hehehe

    Like

  4. January 21 at 11:50 am

    depende pa din sa tao yan. Para saken as long as wala kang ginagawang masama okay lang.

    Bago lang ako dito..=]

    xchange links?

    Like

    • kaspangarigan
      January 21 at 12:25 pm

      Ang basehan para malaman mo na tama ang ginagawa mo ay ang salita ng Dios mismo at wala ng iba.

      Ang pagsamba at pagluhod sa Anghel sa isang tingin ay kusang pagpapakababa o isang banal na gawain. Pero ano ba ang sabi ng Bibliya tungkol dito.

      Rev 22:8 At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.

      Rev 22:9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.

      Salamat sa pagtambay mo. Okay ako sa exchange link.😛

      Like

  5. January 21 at 1:49 pm

    Memorize mo po ba ang mga verses sa bible? Galing ha..hehe.

    will add u na din po.=]

    Like

    • kaspangarigan
      January 21 at 10:57 pm

      2 Tim 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

      Salamat sa pag add parekoy.😆

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: