Home > Pakikisama > Tipan

Tipan

Sa panahon ngayon na marami na ang manlolokong tao, ang isang kasunduan ay di maaaring hindi ilagay sa isang kontrata na kailangang notariado pa ng isang abogado de kampanilya.

Pero alam ninyo ba na sa Dios ang isang pakikipagkasundo na pinagtibay sa harap ng mga saksi ay hindi puedeng baliwalain?

Gal 3:15 Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama’t ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma’y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.

Lalong lalo na kung ito’y may kinalaman sa pag-aasawa. Ipinahihintulot lamang ng banal na kasulatan ang hiwalayan sa pagsasama ng mag-asawa kung may pagtataksil na nagawa.

Mat 5:32 Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya’y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kapag hiniwalayan mo ang iyong asawa maliban sa salang pagtataksil at ito ay nag-asawa ng iba ay nagkakasala ka na rin ng pangangalunya kahit na hindi ka pa nag-asawa. Damay pati yung pumatol sa asawa mong hiniwalayan mo.

Mat 19:9 At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

Baka naman sabihin ninyo e noon yan kaspagarigan pero ngayon ay iba na. Heller! Bagong tipan kaya yang binabanggit ko. Basta nakatali ka sa asawa mo hanggang mamatay siya.

Rom 7:2 Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.

Parang may naalala tuloy ako. Yun bang ikinasal na naghiwalay kaagad kinabukasan. Ano yun, nagtikiman lang? Artista yata yun sa abroad? So far wala pa naman akong nabalitaan dito sa Pilipinas na ganyan kabilis ang hiwalayan. Nauso kasi yung instant. Instant coffee, instant noodles at kung ano ano pang instant, kaya instant kasal at instant hiwalay.

Kaya kung ikaw na nagbabasa ngayon ay binata o dalaga magisip-isip ka. Pumili ka ng mapapangasawangย  galing sa Panginoon.

Prov 19:14 Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni’t ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.

Sapagka’t kung asawa mo na siya ay hindi mo na siya puedeng hiwalayan. Kung pinapayagan sa batas ng tao ang rason, na psychologically incapacitated, mabahong kung ano man yun o kaya ay baog, para ka humiwalay, sa batas ng Dios ay isa lang ang nalalabing dahilan, ang pagtataksil. At ang pinaka-mabilis na paraan ay kung siya’y mamatay. Kaya tama yung kasabihan, till death do us part.

Kaya ako kahit yung asawa ko e madaldal, oks lang.

Minsan nga pumunta kami ng asawa ko sa isang kainan. Sabi ko 2 pc chicken ako sabay hanap ng puwesto. Kaso dulo na dahil walang vacant sa malapit. Nang makuha niya yung order husto namang nagkaroon ng available na lugar sa malapit kaya si commander parang tumawag ng aso. Psssst sabay kaway, dito tayo. Buwisit ka,๐Ÿ˜ฆ ano ako aso? Siyempre isip ko lang yun, awayin kaya ako di sayang yung 2 pc chicken.

  1. January 27 at 12:40 am

    Kungrats sa pagbawi ng blog mo! Yehey!

    Like

    • January 27 at 12:45 am

      Yehey, 2 na ngayon ang babasahin mo.๐Ÿ˜†

      Like

  2. January 27 at 2:27 pm

    welkam back!

    tanong lang po,

    1. bago nila isinara ung blog mo nagbigay ba ng warning ang kinauukulang?

    2. ano po ba ang ginawa ninyo upang maibalik ang blog.

    Salamat po.

    Like

    • January 27 at 2:52 pm

      Basta na lang nawala. Violation daw ng TOS.

      Nag message ako sa admin support & was advised to download my blog file & import it to a new blog.

      Ayun nung bumalik within 2 days, dalawa na blog ko.๐Ÿ˜†

      Like

  3. January 27 at 2:29 pm

    forgot to mention. add ko na pala kayo sa blogroll sa ayaw at sa gusto ninyo. pero kung ayaw ninyo sabihin nyu lang po at i will oblige your request. thanks again.

    Like

    • January 27 at 2:58 pm

      Na add na rin kita pati na rin dun sa bago kong blog na kastoy.

      See you more often.๐Ÿ˜†

      Like

  4. January 28 at 3:11 am

    welcome back!๐Ÿ™‚

    hays, mag asawa, bakit ganun karamihan sa mga aasawa now nag hihiwalay? tapos ung iba pabirong nagsasabi, “naku maghihiwalay din yan” nakakainis diba? bakit nagsama pa kayu kung mag hihiwalay lang kayu?diba dapat tanggapin nyu kung anu man mali sa inyu?o kung anu mang buhay, kaugalian nyu?kasi pinagbuklod kayu ng panginoon bilang isa, so dapat sa lungkot nga o saya kayu padin ang magsasama..

    hays, wala lang..๐Ÿ™‚

    Like

    • January 28 at 3:23 am

      Kung alam nila kasi ang kalooban ng Dios ay di nila ito gagawin, ang maghiwalay. What for na sabihin nila na makadios sila kung wala silang takot sa poong lumikha.

      Eccles 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.

      Dapat yung ibig Niya ang gawin natin hindi yung ibig natin.๐Ÿ˜† Lalong lalo na sa pagsasama ng mag-asawa.

      Iba kasi yung may gabay ka ng kanyang kalooban at tiyak di ka hihiwalay dito.

      Like

  5. January 28 at 6:36 am

    hays, kaya nga eh.. nakakainis minsan, dapat kasi kung siguradu ka sa pipiliin mung lalake o babae, dapat hindi mu sya iiwanan, kaya dapat piliin mu kung sinu deserving sa buhay mu.. diba/?!!! amp!

    Like

  6. January 28 at 12:04 pm

    dapat talaga hindi minamadali ang lahat! true love waits (sa lahat ng aspeto)!

    Like

    • January 28 at 1:14 pm

      Correct ka diyan Badong.

      Naalala ko tuloy yung isang misis na inirerekmo yung husband niya.

      Hihiwalayan na raw niya kasi binabastos na siya.

      Pabirong sagot ko, kung rerespetuhin ka nun di wala na kayong six este loving-loving. Dapat paminsan-minsan ay binabastos ka. Ayun natawa, naalis yung galit.

      Seriously, salamat sa pagbisita mo parekoy.๐Ÿ˜†

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: