Home > Pag-asa > Kamatayan

Kamatayan

Nalalaman natin na ang mga bagay ay nagkakatugma-tugma sa kapakinabangan ng mga masunurin sa Dios.

Rom 8:28 We know that in everything God works for good with those who love him, who are called according to his purpose.

Wala tayong tutol marahil sa mga nakikitang pabor na resulta bagama’t sa mga negatibong bagay tulad ng pagkatanggal sa trabaho, pagkalugi ng negosyo, iniwan ng asawa at kung ano-ano pa ay hindi maituturing ng tao na mga kapakinabangan. Dahil na rin siguro sa hindi natin batid ang kalooban ng Dios.

Pero alam ba ninyo na pati ang kamatayan ay isang pakinabang? Sa Dios ito’y paraan Niya upang mai-iwas sa kasamaang darating ang kanyang lingkod.

Isa 57:1 The righteous perisheth, and no man layeth it to heart: and merciful men are taken away, none considering that the righteous is taken away from the evil to come.

At ang kamatayang ito’y mahalaga sa kanyang paningin.

Ps 116:15 Precious in the sight of the LORD is the death of his saints.

Ang kataka-taka dito ay yung pag-aantay ng sapat na bilang ng mga papatayin pang mga banal bago isagawa ang paghuhukom.

Rev 6:9 And when he had opened the fifth seal, I saw under the altar the souls of them that were slain for the word of God, and for the testimony which they held:

Rev 6:10 And they cried with a loud voice, saying, How long, O Lord, holy and true, dost thou not judge and avenge our blood on them that dwell on the earth?

Rev 6:11 And white robes were given to every one of them; and it was said to them, that they should rest yet for a little season, until their fellow-servants also and their brethren, that should be killed as they were, should be fulfilled.

Maaring maitanong mo; Akala ko ba ang mga patay ay nangatutulog lamang, bakit sila nakakausap? Kaya nga ang sabi ni San Juan sa Rev. 6:9 na nasa itaas ay “I saw the souls of them” at sabi naman sa Rev. 6:11 ay “rest yet for a little season”. Yung katawan ay tulog hanggang sa araw ng paghuhukom pero yung kaluluwa nila ay nasa kamay ng Dios.

Job 12:10 In whose hand is the soul of every living thing, and the breath of all mankind.

Subali’t Dios lamang ang puedeng makipag-usap sa mga kaluluwa at ipinagbabawal sa mga tao ang pagsangguni sa mga patay at sa mga kaluluwa dahil sa ito’y karumal-dumal sa Kanya.

Deut 18:11 Or anyone using secret force on people, or putting questions to a spirit, or having secret knowledge, or going to the dead for directions.

Deut 18:12 For all that do these things are an abomination unto the LORD: and because of these abominations the LORD thy God doth drive them out from before thee.

Katotohanang walang imposible sa Dios, lalong lalo na yung mga espiritong nasa kanyang kapamahalaan, kahit nga piping asno pinagsasalita.

2 Pet 2:16 but he was rebuked for his own disobedience. A mute donkey spoke with a man’s voice and stopped the madness of the prophet.

Kaya nga alamin natin ito na ang kamatayan bagama’t masakit tanggapin ay isang paraan ng pakinabang sa mga banal nguni’t kalugihan sa mga masasama na hindi nagsisi.

Sabi nga ng kanta ni April Boy Regino, “Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin”. Kaya mo o hindi ay kailangan mong tanggapin.

Rom 8:38 For I am persuaded, that neither death, nor life, nor angels, nor principalities, nor powers, nor things present, nor things to come,

Rom 8:39 Nor height, nor depth, nor any other creature, shall be able to separate us from the love of God, which is in Christ Jesus our Lord.

  1. February 10 at 5:52 am

    Hello hello Kaspa. Habang nasusunog ako sa bible verses mo, pa exlink naman ule. Lumipat na po ako ng site.🙂

    Like

    • kaspangarigan
      February 10 at 10:58 am

      Done! Good for you!😆

      Like

  2. pruelpo
    February 10 at 3:11 pm

    Dapat bang katakutan ang kamatayan, Igan? May pinipili bang oras at panahon ang pagdating ni kamatayan?

    kung may time ho kayo Igan, pasyalan n’yo ho ito http://pruelpo.wordpress.com/2010/02/05/may-bukas-paang-pagtatapos/, ang comment ho ay para sa iyo #19. salamat.

    Like

    • kaspangarigan
      February 10 at 4:22 pm

      Heb 9:27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

      Datapwa’t puede itong pahabain ng tao kung siya ay tatalima sa utos ng Dios At puede rin naman niyang paikliin kung siya’y gagawa ng masama.

      Eph 6:1 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka’t ito’y matuwid.

      Eph 6:2 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),

      Eph 6:3 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

      Like

  3. February 10 at 3:31 pm

    we all die because all of us sinned!!

    Like

    • kaspangarigan
      February 10 at 4:25 pm

      Hindi lahat ay mamamatay. Mayroon kasing daratnan si Cristo sa kanyang pagbabalik na mga buhay pa.

      Mt 16:28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.

      Mt 24:40 Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan:

      Mt 24:41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.

      Mt 24:42 Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

      Kaya nga kailangan nating umiwas sa kasalanan para maging dapat.

      Mt 24:13 Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

      Like

  4. February 10 at 9:31 pm

    ang totoo. yan ang biggest fear q.. ang mamatay!
    ingtz po.

    Like

    • kaspangarigan
      February 10 at 11:11 pm

      Natural lang na reaction yan pero magtiwala tayo sa Dios.

      Thanks ulit sa pagbisita.😛

      Like

  5. February 11 at 7:14 am

    nakakatakot naman yung post mu, kamatayan?!

    nice ng new theme mu!

    happy hearts day!

    Like

  6. kaspangarigan
    February 11 at 8:07 am

    Thanks! May you have a healthy heart.😛

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: