Home > Personalidad > Galit

Galit

Due to insistent public demand medyo pahinga muna tayo sa mga temang pang espiritual. Nakakasunog daw. Kaya naman bago sila masunog este magalit ay pansamantala wala munang verses o talata sa Bibliya. πŸ˜†

Speaking of galit o sa englis e hatred, may tao ba ngayon na banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad sa mga kasamaan at kasalanang ginawa sa kanya?

Ang Dios lang ang alam kong puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.

May kapit-bahay kasi kami noon na nakita kong nagpupuyos sa galit. Nabalitaan kasi niya na yung anak niyang nag-aaral sa Maynila ay nabuntis kaya sa kanyang galit ay naibalibag niya ang mga kaldero, pinggan at kutsara na naka-ayos sa kanilang paminggalan. Ayun yupi at butas-butas yung mga kaldero at basag-basag ang mga pinggan at baso.

Sasabihin ko rin sana na pati yung mga kutsara at tinidor ay nasira din kaso over na yun. Kahit siguro ibalibag mo nang paulit-ulit yung mga kutsara at tinidor ay hindi ito mababali.

Kaya naman si Aling Sayong nang magluluto na ay hayun sa kapitbahay at nanghihiram na ng kaldero na pagsasaingan. Hindi niya kasi gaanong naging problema yung platong kakainan kasi nga’y maraming sagingan sa paligid.

Maiisip mo tuloy, wala naman sa harap niya yung nagpaganon pero ganon siya kung gumanon. Paano na kaya kung kaharap na niya yung gumawa ng ganon sa anak niyang nagpaganon.

May mga taong hindi kontrolado ang sarili. Pa star yata ang tawag dun. Stariray ang tawag ng mga kakilala kong mga bakla at ng mga babaing para ring bakla pero di naman.

Ang nangyari na kasi ay hindi mo na maibabalik. Hindi yan katulad ng isang pelikula na puede mong i-replay o i-edit para alisin yung mga hindi kanais-nais. At kung nangyari na, marapat ka bang magalit? Kung baga sa lindol ay after shock na lang ang galit.

Papansin na lang ba, kumbaga.

Magaan ang kamay ko noon. Hindi naman ako siga, pero tinik ako sa mga nagsisiga-sigaan sa lugar namin sa probinsiya ng Pangasinan. Pati yung magnanakaw ng kalabaw, baka at kambing ay takot dumayo sa aming lugar. Otsenta porsiyento kasi ng mga tumitira doon ay magkakamag-anak kaya naman pati namumuno ay kamag-anak. Parang Maguindanao ba, di nga lang kami pumapatay, nangbubugbog lang.

Sabi nga ng tatlo kong anak sa bunso, suwerte mo at hindi mo inabot si Dad sa kanyang pasaway na kalagayan. Anila, mabait na kasi siya kaya huwag mo sanang abusuhin.

Oo nga naman, naalala ko noon kung dumarating akong lasing. Yung panganay ko nanginginig sa takot at itinatago agad yung mga kapatid niya para di ko makita. Galit kasi ako sa mga sira ulong katulad ko kaya pati mga mahal ko sa buhay nadadamay. Kaya totoo yung kasabihang, ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.πŸ˜†

Makatuwiran ba na kapag nakagawa ng kasalanan ang iyong kapwa ay umuusok na rin ang ilong mo sa galit? Kapag ba ang kapwa mong driver sa kalsada ay pasaway may karapatan ka bang magalit? Hindi ba tayo pupuedeng sumaway ng hindi nagagalit?

Paminsan-minsan, dapat nating tiisin ang kalikuan ng iba sa ngalan ng kapayapaan. Sabi nga ni Manong, walang bagay na hindi napag-uusapan ng masingganan este masinsinan.

Those were the days. Mga alaalang nakakahiyang balikan o gunitain man lang subali’t ang nakaraan ay daang tinahak ng kasalukuyan na nagpatibay sa aking pagkatao upang maging mabuting nilalang na may budhing malinis na walang kapaslangan sa Dios at sa kapwa tao.

  1. February 17 at 2:58 am

    magandang araw sa iyo..huwag mainit ang ulo,hehe..

    Like

  2. kaspangarigan
    February 17 at 6:08 am

    Malamig nga eh!πŸ˜†

    Like

  3. February 17 at 3:12 pm

    be wrathful but yet do not sin!

    Like

    • kaspangarigan
      February 17 at 9:41 pm

      tama ka diyan.πŸ˜†

      Like

  4. February 18 at 1:30 am

    na link ko na po kayo mr.kaspangarigan.. ^^ salamat po sa comment sa site ko hehe..

    Like

    • kaspangarigan
      February 18 at 4:22 am

      Done! Salamat din sa pagtambay mo.πŸ˜›

      Like

  5. February 18 at 2:42 am

    pasensya na at ngayon lang nakadaan. naidagdag ko na rin kayo sa aking link.

    salamat, at sana ay mailagay nyo na rin ako sa blogroll link ninyo.

    salamat muli

    Like

    • kaspangarigan
      February 18 at 4:23 am

      Your are welcome. Site already included. πŸ˜›

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: