Home > karunungan > Laway

Laway

Ang hirap naman yata ng katuwiran na kaya ka hindi naniniwala na may Dios ay sapagka’t hindi ka sigurado kung ang sinasabi ng Bibliya na ginawa ng tao sa iyong pansariling pag-aanalisa ay maaaring totoo o gawa-gawa lamang ng mga Kristiyano ng unang panahon.

Ibig sabihin, hindi ka sang-ayon sa gawa lang ng tao. Ang silya na gawa ng tao, bakit ka naka-upo? Ang history books na gawa lang ng tao, bakit mo ginagawang reference? Ang hangin na gawa ng Dios, bakit mo hinihinga? Ang isip na hindi naman gawa ng tao, bakit mo ginagamit?

Una, dapat nating malaman na walang salita ang Dios na di may kapangyarihan.

Jn 13:19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo’y magsisampalataya na ako nga.

Hindi ito yung mga hula na hindi naman nangyayari katulad ng mga rebelasyon ng tao sa paggunaw ng mundo na puro mga palpak lahat.

May mga bagay sa mundo na hindi batid ng kahit anomang karunungan ng tao at kahit na ang mga Siyentipiko ay hindi maipaliwanag na sa katapus-tapusan ng pag-aaral kung walang patunay ay sasabihing ang mga bagay na iyan ay galing sa isang singaw o produkto ng ebolusyon.

Pinagpauna na yan ng Bibliya noon pa.

1 Cor 3:19 Sapagka’t ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka’t nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

Dalawa lang ang pagpipilian ng mga nabubuhay sa mundo. Mabuti o sa masama, Langit o sa impiyerno? Hindi puede dito yung neutral o nasa gitna sapagka’t isusuka ka ng Dios.

Rev 3:16 Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.

Isang payo ang ibig kong iparating sa mga bumabasa ng blog na ito. Na huwag umasa sa kanilang sariling karunungan o sa karunungang natutunan sa mga pantas ng sanglibutan sapagka’t ito’y kamangmangan sa Dios.

Prov 1:7 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni’t ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

1 Cor 2:13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

At ang karunungang nagmumula sa itaas ay walang sukat.

Jn 3:34 Sapagka’t ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka’t hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.

May mga taong ayaw tumanggap ng katuwiran. Sila’y tinatawag ng Kasulatan na mga mangmang. Kaya naman kahit anong paliwanag mo ay ayaw nilang dinggin. Para bang nagsasayang ka lang ng laway.

  1. February 20 at 1:24 pm

    yeah i agree…im really conviced that the Bible is the word of God and it is inspired by Him– 2Timothy 3:16,17

    Like

    • kaspangarigan
      February 20 at 3:00 pm

      Amen.😛

      Like

  2. February 20 at 1:46 pm

    tama po!!! i agree!! kasi pag ganyang usapan po!! FAITH na lang po ang pinapairal dyan!!! at sabi nga po believe first and you will see!! at yung mga gumawa naman po ng bible na tao ay may guide si lord at binigyan sila ng knowledge and wisdom to write!!!

    Like

    • kaspangarigan
      February 20 at 3:01 pm

      tama ka diyan Nhickole.😛

      Like

  3. February 21 at 4:23 am

    Agree din po.

    Joh 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

    Like

    • kaspangarigan
      February 21 at 12:47 pm

      Si Cristo ang verbo na nagkatawang tao.

      John 1:3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

      Like

  4. pruelpo
    February 21 at 12:13 pm

    ako naman ho, ginawa ang Banal na Aklat para sa tao, hindi para sa hayop, o sa mga bagay-bagay na nakikita natin sa ating paligid. musta ang lahat dito?

    Like

    • kaspangarigan
      February 21 at 12:42 pm

      Tama ka diyan, dahil ang mga hayop o mga bagay-bagay na nakikita natin sa ating paligid ay ginawa para sa tao.

      Salamat sa pagdalaw.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: