Home > Personalidad > Duwag

Duwag

Ang pagsu-sundalo ay isang marangal na propesyon na puede mong ipagmalaki. Hindi normal sa isang sundalo na umuwi sa kanyang bayan na nanggugulo. Tawag minsan ng mga sibilyan sa mga sundalong may kakaibang pag-uugali na ganyan ay may war shock.

Bilang isang infantry Army Officer na nagsilbi sa bayan ng anim (6) na taon, masasabi ko na ang ganyang kondisyon ay hindi resulta ng pagkakaroon ng karanasan sa madugong pakikipaghamok. Dahil kung ito ang ating pagbabatayan di lahat sana ng sundalong naitalaga sa labanan ay may ganyang kondisyon.

Ang kabaliktaran ng katapangan ay ang karuwagan. Ang war shock ay resulta ng hindi nakayanang takot sa kamatayan.

Ang malinaw na manipestasyon ng takot ay kung sa unang putukan o engkuwentro, ang isang sundalo ay manginginig at hindi man lang maiputok ang kanyang baril. Ang masaklap ay kung siya’y mawala sa kanyang sarili at basta na lang magpapaputok ng walang habas. Suerte ka kung wala ka sa harap niya sapagka’t sa pagkakataong ito ay hindi na niya alam ang kalaban sa kakampi. Sa tuwing maaalala niya ang nakakatakot na karanasang yaon ay hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang sarili.

Sa maikling paliwanag, kung ikaw ay isang sundalo na may war shock, ay dati kang isang duwag na bigla na lang manggugulo o mamamaril ng walang kaabog-abog kahit na walang naghahamon. Samakatuwid ang bansag na ito ay isang malaking kahihiyan na hindi maipagmamalaki ninoman kailanman.

Sa mga sundalong nakadestino sa labanan, ako’y nagsasalita ayon sa aking karanasan, alam kong mahirap ang inyong kalagayan diyan.

Mat 10:28 And fear not them who kill the body, but are not able to kill the soul: but rather fear him who is able to destroy both soul and body in hell.

Luke 12:5 But I will show you whom you should fear: Fear Him who, after He has killed, has power to cast into hell; yes, I say to you, fear Him!

  1. February 22 at 1:29 am

    if God is with us.. di tayo matatakot.. He is mighty to save.

    Like

    • kaspangarigan
      February 22 at 2:35 am

      Rom 8:31 What shall we then say to these things? If God be for us, who can be against us?

      Like

      • February 22 at 7:13 am

        walang makakatalo sa atin..

        Like

      • kaspangarigan
        February 22 at 8:54 am

        Check!😆

        Like

  2. February 22 at 7:48 am

    Psalm 23:1 God is our Shepherd.

    Like

    • kaspangarigan
      February 22 at 8:51 am

      Psalm 23:4 Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and Your staff, they comfort me.

      Like

  3. pruelpo
    February 22 at 4:51 pm

    may pagkakataon Igan na mabigat ang damdam ko lalo kapag naiisip ko ang problemang hinaharap ko – nguni’t kapag naalala ko Siya gumagaan ang nararamdaman ko.

    Like

    • kaspangarigan
      February 22 at 11:55 pm

      Mt 11:30 For my yoke is easy, and my burden is light.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: