Home > Pag-asa > Sayang

Sayang

Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.

Kaya’t iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa’t si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.

Jn 12:3 Then Mary took a pound of ointment of spikenard, very costly, and anointed the feet of Jesus, and wiped his feet with her hair: and the house was filled with the odor of the ointment.

Jn 12:4 Then saith one of his disciples, Judas Iscariot, Simon’s son, who was to betray him,

Jn 12:5 Why was not this ointment sold for three hundred pence, and given to the poor?

Datapuwa’t may ilan na nangagalit sa kanilang sarili, na nagsipagsabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento?

Mk 14:5 For it might have been sold for more than three hundred pence, and have been given to the poor. And they murmured against her.

Sa mga nagbabasa ng blog na ito, maaaring maisip nila, ano naman ang kinalaman ng kuwentong ito sa kaligtasan ng aking kaluluwa?

Marami ang sa atin ay ganyan ngayon. Pagdating kasi sa Dios ay naghihinayang tayong magbigay. Katulad ng pabangong itinapon sa paa ni Kristo, sayang lang. Sabi nga nung ibang pilosopo, aanhin naman ng Dios ang pera eh hindi naman niya kailangan yan? Kaya kung magbigay sila ay barya-barya lang. Anila, nanakawin lang yan ng mga katulad ni Judas Iscariote.

May kakilala nga ako na kayang gumastos ng sampu hanggang dalawampung libo sa birthday ng anak pero hindi ba sayang lang din yan? Pupunta lang sa kubeta yung ipinakain mo sa mga tao. Para sa Dios, sobra na ang isang daan. Eh kung bente pesos, naku isang oras na yang renta sa computer shop, sayang naman, kaya tama na sa Dios ang barya-barya lang.

Kung ibibili nga lamang ng mamahaling kapilya or sa kapritso ng mga pastor at pari ay huwag ka ngang magbigay sapagka’t ang pagtulong sa mga ganitong mga bagay ay maaaring sumpa ang kamtin buhat sa Dios. Subali’t kung gugugulin dahil sa ating kaluluwa ay totoong ito’y nakalulugod sa Dios.

2 Cor 12:15 And I will very gladly spend and be spent for you; though the more abundantly I love you, the less I am loved.

Ano ba yung gugol sa kaluluwa? Hindi ba yan yung gastosin sa pagpapalaganap ng mga aral ng Dios na nakapaloob sa evangelio ni Cristo?

Kaya nga kailangan ang perang gagastusin para maibigay mo ang aral ng libre sapagka’t ito’y tinanggap natin hindi sa tao kundi mula sa Dios ng walang bayad.

Mt 10:8 Heal the sick, cleanse the lepers, raise the dead, cast out demons: freely ye have received, freely give.

Pero ano nga ba ang utos sa mga Kristiyano ukol sa pagbibigay? Hindi ba ang magbigay ayon sa iyong kaya o iginiginhawa, hindi mabigat sa loob o napipilitan lang o sa ito’y kinakailangang gawin, sapagka’t ang sabi ng Dios, iniibig Niya ang nagbibigay ng masaya.

2 Cor 9:7 Every man according as he purposeth in his heart, so let him give; not grudgingly, or by constraint: for God loveth a cheerful giver.

  1. February 23 at 1:33 am

    para hindi sayang eh kailangan we should use our life to serve God.

    Like

    • kaspangarigan
      February 23 at 2:35 am

      We can not actually serve God.

      Acts 17:25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya’y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

      We should use our life to follow & keep all his commandments.

      Eccles 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.

      Yung iba kasi, yung Dios nila binibihisan ng damit, nilalagyan ng pabango, pinapasan, inililibot at kung ano-ano pa. Kaylan kaya sila titigil sa mga gawang mali.

      Like

  2. February 23 at 6:47 am

    para hindi sayang gamitin sa tama..🙂

    Like

    • kaspangarigan
      February 23 at 8:02 am

      Ang pera ay sayang kung gagastusin sa ikalulugod lamang ng laman.

      Rom 8:13 Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.

      Like

  3. February 23 at 9:03 am

    amen!
    na feed nanaman ang aking tigang na soul!

    Like

    • kaspangarigan
      February 23 at 9:14 am

      Salamat sa pagdalaw kaibigan.😛

      Like

      • ajlation
        February 24 at 9:48 am

        kagalakan ko po ang mapadpad dine sa bahayblog mo po …

        Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: