Home > Video > Sinungaling

Sinungaling

Jer 23:32 Narito, ako’y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.

Eccles 5:7 Sapagka’t sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni’t matakot ka sa Dios.

  1. March 16 at 12:32 pm

    i hate LIARS!!!

    Like

    • kaspangarigan
      March 16 at 12:52 pm

      Me too!😆

      Like

  2. obet
    March 26 at 1:40 pm

    sana marami pang mkbasa at mkapnood ng inyong blog,isa ako sa mga against sa mga kampon ni satanas na yan,,,,,,

    Like

    • kaspangarigan
      March 26 at 2:13 pm

      Salamat sa comment mo Obet. Ang aking kinokondena dito ay ang mga maling gawa na di naaayon sa aral na nasusulat sa Bibliya.

      Nothing personal, bagama’t isa nga siya sa mga kaaway ng Dios.😦

      Like

  3. Juan
    December 17 at 9:39 am

    Paano pala kapag dumating ang panahon na ang taong kinukundina nyo ay totoo pala…saan kaya kayo pupulutin non?s Impyerno!!!Natatandaan nyo b ang kwento ni eba at adan s garden of eden noon…sabi ng diyos s kanila, malaya kayong kanin lht ng mga bunaga ng kahoy maliban lamang sa isang puno(sabihin n nting mansanas un 4 d case of argument)anong sabi ng diyos, kapag kinain nyo ang bunga non,kayo ay mamamatay,,,tanong ko sa yo, namatay b sila,hindi ba, hindi nmn cla namatay…kasi nga SPIRITUAL ang sinasabi ng diyos…Noong sinabi naman ni satanas sa kanila na kapag kinain nyo ito, hindi kayo mamamatay, d tulad ng sabi ng diyos s inyo…Tama rin si Satanas, hindi nga sila namatay pisikali, dahil ang tinutukoy ni Lucifer ay pam pisikal lang…KAYA IKAW,KATULAD KA RIN NI SATANAS NA PURO PISIKAL LNG, KY HINDI MO NAUUNAWAAN ANG MGA BAGAY NA SPIRITUAL…DI AKO NAKIKIPAGTALO SA INYO, CONCERN LANG AKO SA KALULUWA NYO…GANITO NA LANG, IRERESPETO KO ANG PANANAW NYO, IRESPETO NYO RIN ANG PANANAW NG TAONG KINUKUNDINA NYO, TULAD NG SABI KO NOONG UNA PA LANG…”PAANO KAYA KUNG TOTOO SYA” PANO NON…MAPAPATUNAYAN LANG NATIN ANG BAGAY N MGA ITO KAPAG NAMATAY NA TAYO, KAYA LNG,KUNG SAKALING MALI KA, ITS TOO LATE…U R ALREADY IN HELL…PAG ARALAN MO MABUTI ANG MENSAHE, BUKSAN MO ANG ISIP MO,LAWAKAN MO ANG PANANAW MO…MANALANGIN K S DIYOS…TIYAK IBIBIGAY NYA ITO S U…PAGPALAIN KA NAWA NG DIYOS…

    Like

  4. December 17 at 1:09 pm

    Juan, hindi kailan man magiging totoo si Quiboloy. Hindi ko rin siya kailanman katatakutan at eto ang aking basehan.

    Deut 18:22 Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

    Ikaw kaya ang magisip-isip, ilang beses na bang nagsalita si Quiboloy sa pangalan ng Panginoon at hindi nangyari?

    Tungkol naman sa sinasabi mo kay eba at adan. Namatay sila maging pisikal o espiritual. Kapag sinabi ng Dios na mamamatay, tama yun, maging spiritual o pisikal.

    1 Tim 5:6 Datapuwa’t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.

    Kinampihan mo pa si Satanas. Kailan man walang sinabi si Satanas na totoo o tama sapagka’t siya’y isang sinungaling.

    Jn 8:44 Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.

    Basahin mo ang talatang ito na sinasabi ng kapangalan mong si Juan.

    Jn 7:17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.

    Jn 7:18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili’y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa’t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya’y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya’y walang kalikuan.

    Ito’y mga bulag na taga-akay na magpapahamak sa kanilang mga inaakay.

    Mt 15:14 Pabayaan ninyo sila: sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.

    At upang huwag kang mailigaw ko o ninoman, ito ang iyong paniwalaan.

    Is 34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

    2 Tim 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

    2 Tim 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

    Huwag kang maniniwala na ang isang taong magtatanong sa kung saang talata sa Bibliya matatagpuan ang katunayan ng sinasabi ng isang mangangaral ay isa nang kampon ni Satanas.😆 Si Quiboloy ay may mga katuruan o mga itinuturong labag sa mga aral ng Bibliya.

    Buksan nawa ng Dios ang iyong kaisipan.

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: