Home > Politikal > Election

Election

Ang batayan sa pagpili ng Kandidatong mamumuno sa bayan ay isang mabusising gampanin na kailangang pagtuunan ng pansin.

Huwag daw nating paghaluin ang religion sa pulitika na wala naman akong nakikitang pagkakaiba. Kung gaano karumi ang religion ay ganun din ang pulitika sa kasalukuyang estado. Sa religion pera ng deboto ang kinukurakot at sa pulitika ay pera naman ng mga tao.

Ang mga nanalong kandidato sa kanilang pagtupad ng napanalunang posisyon sa gobyerno ay manunumpa sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay sa Bibliya at mangangakong magiging tapat sa Dios at sa tao. Ganun din naman sa mga mahistrado na gaganap sa kanilang sinumpaang tungkulin sa pagtatanggol ng mga karapatang pantao na walang kikilingan maging mayaman o mahirap.

May batayan ang Bibliya sa paghalal ng mamamahala sa Iglesia na inaakala kong batayan din naman ng pagpili sa isang kandidatong manunungkulan.

1 Tim 3:1 This is a true saying, If a man desireth the office of a bishop, he desireth a good work.

1 Tim 3:2 A bishop then must be blameless, the husband of one wife, vigilant, sober, of good behavior, given to hospitality, apt to teach;

1 Tim 3:3 Not given to wine, no striker, not greedy of filthy lucre, but patient; not a brawler, not covetous;

1 Tim 3:4 One that ruleth well his own house, having his children in subjection with all gravity;

1 Tim 3:5 (For if a man knoweth not how to rule his own house, how shall he take care of the church of God?)

Naalala ko si Erap na womanizer, lasinggero at sugalero pa, kaya naman nakapag-rule ba siyang mabuti, di ba hindi? Kapag ang sariling asawa mo kasi ay niloloko mo, ibang tao pa kaya ang di mo lolokohin?

Hinuhusgahan ko ba siya sa pagkakataong ito? Of course not! Tayong lahat ay may sari-sariling takbuhin at may pagkakataon na maging banal hangga’t humihinga patungo sa buhay na walang hanggan.

Ang pinakahuling kinakailangan sa pagpili ay ito: Hindi siya dapat baguhan o bagong salta sa larangan ng pulitika. Ibig sabihin ay, dati na siyang humawak ng posisyon pero hindi nagnakaw at naging tapat sa tungkulin.

1 Tim 3:6 Not a novice, lest being lifted up with pride he fall into the condemnation of the devil.

Maaaring itanong ninyo, ano naman ang garantiya na kung susundin ko ang sinasabi ng Bibliya sa paghahalal, at kung nakaupo na, sila ba’y magtatapat sa kanilang tungkulin?

Ang garantiya? Mas malaki ang posibilidad na sila ay magtatapat, kay sa hindi.

  1. March 25 at 10:46 am

    for a true Christian he should just be neutral in the coming election because we should wait for the Kingdom of God–bcoz it is the only solution to all our problems.

    Like

    • kaspangarigan
      March 25 at 1:49 pm

      What do you mean by neutral? Hindi ka ba boboto? Bumoto ka Melody, sayang naman isang boto mo. Vote & be counted.

      Mapalad nga ang makalakip sa unang pagkabuhay sapagka’t maghahari sila ng isang libong taon.

      Rev 20:6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

      Like

  2. pruelpo
    March 25 at 1:21 pm

    sa akin naman, sa tagal nang panahon na tayo ay naguyo at ginuguyo pa hanggang ngayon nawa’y makonsensha na ang lahat di lamang ang mga kandidato pati mga botante. ok itong post mo igan, maraming mapupulot na aral. musta ho?

    Like

    • kaspangarigan
      March 25 at 1:55 pm

      Mabuti naman Igan. Matagal tagal ka din na hindi nakadalaw at ako’y nagagalak sa iyong muling paglitaw.

      Sana nga wala nang magbu-buntong hininga.😆

      Prov 29:2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni’t pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.

      Like

  3. March 26 at 3:17 pm

    Sana nga ito na ang eleksyon na mahalal ang isang MATUWID…sana po.

    Like

    • kaspangarigan
      March 26 at 3:31 pm

      Gusto man natin ang manalo o hindi, sana suportahan na lang natin. At yung mga matatalo ay huwag na sanang manggulo.

      Let the minority respect the majority para sa kapakanan ng ating masyado nang lugmok na Bayan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: