Home > karunungan > Pagkain

Pagkain

Mawala lang ang bisyong kain, tiyak hindi ganito kapursige ang mga tao sa paghahanapbuhay. Dahil sa pagkain, maraming tao ang napapahamak. Ang ibang mahirap kapag nagutom ay nagnanakaw pero ang katakataka yung mga hindi naman nagugutom at may kakayanang bumili ng pagkain ay nagnanakaw pa rin.

Problema sa Pilipinas ang pagkain dahil sa kakapusan ng produksiyon sa bigas na siyang pangunahing kinakain ng mga Pinoy. Sa ibang bansa naman ang problema nila ay damit at pantalon na isusuot, kasi nama’y sa katabaan, dahil sa kayamuan o katakawan, wala ng magkasyang damit kahit na ito’y double extra large na. Ayannnnn, mahilig kasi kayo sa “go Large” at “Biggy”.

Anoman ang kainin ng mayaman at ng mahirap, isa lang ang siguradong pupuntahan at kahihinatnan, sa kubeta. Sa medyo mabahong pananalita, ita-tae lang. Mas marangya nga lang ang kubeta ng mayayaman kaysa mahihirap na kung minsan hukay lang sa tabi-tabi ay katalo na. O kaya naman ay babalutin ng diaryo saka ihahagis sa ibabaw ng kung kaninong bubong.

Dahil sa pagkain, ang unang tao sa mundo na si Adan ay napahamak at naparusahan dahil sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga ng punong kahoy.

Gen 3:17 And to Adam he said, Because thou hast hearkened to the voice of thy wife, and hast eaten of the tree of which I commanded thee, saying, Thou shalt not eat of it: cursed is the ground for thy sake; in sorrow shalt thou eat of it all the days of thy life;

Gen 3:18 Thorns also and thistles shall it bring forth to thee; and thou shalt eat the herb of the field;

Gen 3:19 In the sweat of thy face shalt thou eat bread, till thou shalt return to the ground; for out of it wast thou taken: for dust thou art, and to dust shalt thou return.

Sa pagkain din tinukso si Cristo ng Diablo pagkatapos na Siya ay hindi kumain ng apatnapung (40) araw at gabi.

Lk 4:2 Being forty days tempted by the devil. And in those days he ate nothing; and when they were ended, he was afterward hungry.

Lk 4:3 And the devil said to him, If thou art the Son of God, command this stone that it be made bread.

Palpak si Satanas, kasi nga’y manunukso na nga lang e bato pa ang ginamit, sana sinangag at tuyo na may kamatis na lang o kaya e sinigang na may kaunting taba na may sawsawang patis na pinigaan ng kalamansi at siling labuyo ang ipinang-akit nito, di naglaway pa sana si Cristo. Magana at masarap kasing kumain kung gutom na gutom ka na, kaso sinagot siya na hindi lang sa bato este tinapay nabubuhay ang tao.

Mt 4:4 But he answered and said, It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God.

Naalala ko tuloy ang traidor na si Judas na pagkatapos maipagsawsaw ng tinapay at maisubo ay pumasok sa kanya si Satanas.

Jn 13:26 Jesus answered, He it is to whom I shall give a sop, when I have dipped it. And when he had dipped the sop, he gave it to Judas Iscariot, the son of Simon.

Jn 13:27 And after the sop Satan entered into him. Then said Jesus to him, What thou doest, do quickly.

Kaya nga bago kumain at uminom kailangang malinis at walang dungis ang tatanggap nito.

1 Cor 11:28 But let a man examine himself, and so let him eat of that bread, and drink of that cup.

1 Cor 11:29 For he that eateth and drinketh unworthily, eateth and drinketh condemnation to himself, not discerning the Lord’s body.

Medyo delikado nga kung may isinasawsaw at saka isinusubo, may masama palang pumapasok na may kasamang hatol at sumpa kapag may aral na nalalabag.

1 Cor 11:24 And when he had given thanks, he broke it, and said, Take, eat: this is my body, which is broken for you: this do in remembrance of me.

1 Cor 11:25 After the same manner also he took the cup, when he had supped, saying, This cup is the new testament in my blood: this do ye, as often as ye drink it, in remembrance of me.

Mga labing dalawang Apostol lang ang umiinom sa iisang saro noon kasama si Cristo, kung literal ito na gagawing pag-alaala kay Cristo, di ba kadiri ito sa dami ng iinom sa iisang saro?

Jn 6:53 Then Jesus said to them, Verily, verily, I say to you, Except ye eat the flesh of the Son of man, and drink his blood, ye have no life in you.

Jn 6:54 Whoever eateth my flesh, and drinketh my blood, hath eternal life; and I will raise him up at the last day.

Jn 6:55 For my flesh is food indeed, and my blood is drink indeed.

Jn 6:56 He that eateth my flesh, and drinketh my blood, dwelleth in me, and I in him.

Ibang pagkain ang sinasabi diyan. Alangan naman na kainin mo ang laman at inumin ang dugo ni Cristo, ano ka, Cannibal o Vampire? Mga aral at mga tiisin yan ng isang mananampalataya sa pagtanggap ng evangelio ni Cristo. Hindi yan pagkain ng laman o ng katawan kundi ng kaluluwa. Isang malaking pagkakamali kung literal na tinapay na galing sa panaderya ang pagpuputol-putulin at alak ang iinumin sapagka’t ang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa daanan ng dumi.

Mt 15:17 Do ye not yet understand, that whatever entereth in at the mouth goeth into the belly, and is cast out into the draught?

  1. March 30 at 5:42 am

    opo ntawa nman ako sa isa lng kahihinatnan sa kubeta baga..lol anyway have a happy blog po🙂

    Like

    • kaspangarigan
      March 30 at 3:18 pm

      Thanks ronel for dropping by. I am hoping you will visit this blog more often. God bless….

      Like

  2. March 30 at 6:12 am

    Tama po guinoong Kaspangarigan..

    Wala na po akong maida dagdag pa..

    Like

    • kaspangarigan
      March 30 at 3:20 pm

      To God be the glory….

      Like

  3. March 30 at 1:21 pm

    problema talaga ang food shortages sa atin ngayon especially El nino na naman… ang init!!!

    Like

    • kaspangarigan
      March 30 at 3:19 pm

      Oo nga mainit. Masarap magpunta na lang sa Shopping Mall para makatipid.😆

      Like

  4. dencios
    March 31 at 12:02 pm

    ang galing ng pagkakasulat! parang article na gawa ng pro sa isang pinoy magazine! maganda kontribusyon ito – witty with facts.

    dahil tuloy sa post mo napaisip ako na kaya siguro din isa sa mga deadly sins ang glutony hano? kasi kahit noon pa sa panahon ni cristo ay may issue na talaga na related sa pagkain.

    Like

    • kaspangarigan
      March 31 at 1:24 pm

      Sa tulong at awa ng Panginoon, maiparating ko nawa ang kanyang mga salita at maunawaan ng balana ang mga nilalaman nito.

      Sabi nga ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Galacia.

      Gal 6:14 Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.

      Tama ka, isa nga ang kayamuan at katakawan sa mga deadly sins.

      Lk 21:34 Datapuwa’t mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:

      Rom 13:13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: