Home > karunungan > Utang na Loob

Utang na Loob

May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin namamalayan kaya naman hindi natin ito tinatanaw na isang utang na loob.

Ilan sa atin ang nakaranas na, na sa ating pagbiyahe ay may nadaanan na isang aksidente sa kalye? Hindi mo kaya naisip na kung napaaga ka ng kaunti ay isa ka sa mga naaksidente doon?

O kaya naman ay isa ka sa naaksidente, pero dahil tumawag ka at sa kadakilaan ng Kanyang pag-ibig ay iniligtas ka. At pagkatapos ng aksidenteng yaon ay ito ka na naman, balik sa dati mong pag-uugali at makamundong pamumuhay. Na iyong sinasabi, pangalawang buhay ko na ito, kaya gagawin kong masaya ang nalalabi kong buhay.

Maaaring maitanong mo, may batayan ka ba sa Bibliya na nagagawa ng Dios ang magligtas sa panahon ng kasakunaan?

2 Corinthians 6:2 (For he saith, I have heard thee in a time accepted, and in the day of salvation have I succored thee: behold, now is the accepted time; behold, now is the day of salvation.)

Sa panahong kinakailangan ay pakikinggan ka Niya at sa araw ng pagliligtas ikaw ay Kanyang sasaklolohan. Kaya naman sa araw na tawagin ka Niya, dapat kang tumalima at huwag papagtigasin ang iyong puso.

Hebrews 3:13 But exhort one another daily, while it is called To-day; lest any of you be hardened through the deceitfulness of sin.

Hebrews 3:15 While it is said, To-day if ye will hear his voice, harden not your hearts, as in the provocation.

Paano ba tumatawag ang Dios?

2 Thess 2:14 To which he called you by our gospel, to the obtaining of the glory of our Lord Jesus Christ.

Hindi ito yung nanaginip ka lang e tinawag ka na. May proseso ng pagbabago na dapat kang pagdaanan at mag-uumpisa yan sa pagtanggi mo sa mga layaw at luho ng katawan kasama na ang pagtanggi mo sa mga bisyo mong matagal ng umaalipin sa iyong pagkatao.

Huwag nating antayin ang panahon na kung ikaw ay tumawag ulit ay di ka na makakasumpong ng kasagutan. Hindi kaya yung mga natuluyan sa aksidente na iyong nadaanan ay pinabayaan at hinayaan na ng Dios na mangyari, dahil sila’y mga walang utang na loob?

Proverbs 1:24 Because I have called, and ye refused; I have stretched out my hand, and no man regarded;

Proverbs 1:25 But ye have set at naught all my counsel, and rejected my reproof:

Proverbs 1:26 I also will laugh at your calamity; I will mock when your fear cometh;

Proverbs 1:27 When your fear cometh as desolation, and your destruction cometh as a whirlwind; when distress and anguish cometh upon you.

Proverbs 1:28 Then shall they call upon me, but I will not answer; they shall seek me early, but they shall not find me:

At puede rin naman na nasama sila sa aksidente, sapagka’t iniwas sila ng Dios sa mas malagim na kapahamakan. Naalala mo ba yung mga batang lalake na ang edad ay dalawang taon pababa na pinapatay ni Herodes dahil kay Cristo?

Mat 2:16 Then Herod, when he saw that he was deceived by the wise men, was exceedingly angry; and he sent forth and put to death all the male children who were in Bethlehem and in all its districts, from two years old and under, according to the time which he had determined from the wise men.

Hindi sa lahat ng panahon ay pakikinggan ka ng Dios. May panahon ng pagliligtas at may panahon din ng pagtanggi. Kung tinatanaw nating utang na loob ang mga hayag na nangyayari sa ating buhay, hindi ba marapat na pasalamatan natin ang mga hindi nahahayag sa atin?

Sino man ang may ibig na makamit ang buhay na walang hanggan, umpisahan natin ang pagtanggi sa mga hayag na gawa ng laman sapagka’t sa ganito lamang natin mauunawaan ang mga hindi nahahayag.

Gal 5:19 Now the works of the flesh are manifest, which are these, Adultery, fornication, uncleanness, lasciviousness,

Gal 5:20 Idolatry, witchcraft, hatred, variance, emulations, wrath, strife, seditions, heresies,

Gal 5:21 Envyings, murders, drunkenness, revelings, and such like: of which I tell you before, as I have also told you in time past, that they who do such things shall not inherit the kingdom of God.

Ngayon, Sino sa atin ang mga walang utang na loob?

Tit 1:16 They profess that they know God; but in works they deny him, being abominable, and disobedient, and to every good work reprobate.

  1. April 3 at 12:50 pm

    yeah kelangan talaga tayo tumanaw ng utang na loob—thats really necessary.

    Like

    • kaspangarigan
      April 3 at 1:26 pm

      Thanks for the visit….

      Like

  2. April 5 at 1:04 pm

    care to exchange links to our other blog http://www.mondenero.com??

    Like

    • kaspangarigan
      April 6 at 1:33 pm

      okay. I am very much willing… Your blog already included.

      Like

  3. April 6 at 7:07 pm

    Salamat sa napakagandang paalala. Dinidinig ng Diyos talaga ang dalangin ng isang matuwid na tao. Magpakabuti upang makamit ang buhay na walang hanggan.

    Like

    • kaspangarigan
      April 6 at 10:23 pm

      Tunay ang iyong tinuran.

      Rom 12:1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

      Salamat sa iyong pagbisita, Igan.

      Like

  4. April 7 at 12:48 am

    It’s always nice to pray to asked blessing, protection and to give thanks.

    Like

    • kaspangarigan
      April 7 at 1:04 am

      Yes, very true..

      Like

  5. rif
    April 24 at 12:29 am

    cool Nice work!

    Like

    • kaspangarigan
      April 24 at 8:26 am

      Thanks.

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: