Home > Politikal > And the Winners Are!

And the Winners Are!

Tapos na ang Eleksiyon. Nanalo na ang mga inaakala ninyong mamumuno sa bayan at natalo na rin ang inaakala ng iba na karapat-dapat na mamumuno.

Sa katapus-tapusan, andiyan pa rin ang mga namuno noon na walang gaanong ginawa. May mga bago ring mga mukha at may mga artista rin naman na dati ng nahalal at muling nagtagumpay kasama ng mga baguhan.

Sino-sino man sila o ano man sila ang mahalaga ay ang pagsunod nating mamamayan sa lahat ng mga panukala na kanilang sasabihin pabor man sa atin o hindi.

Sinabi kasi yan ni Cristo, na ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Dios ang sa Dios.

Mt 22:19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.

Mt 22:20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?

Mt 22:21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila, Kaya’t ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

Ginusto sila ng nakararami kaya wala tayong magagawa kundi ang irespeto sila at hayaang ang korte o ang kamay ng batas ang umiral kung silang mga nakaupo ay may gagawing kabalbalan.

Sa puntong sila ay magkabisala, sa mga bumuto sa kanila, huwag kayong magreklamo sapagka’t ginusto ninyo silang sila’y andiyan at ma-upo. At sa mga hindi naman sila ibinoto, wala kayong magagawa kundi ang magbuntong-hininga at antayin ang susunod na eleksiyon.

Prov 29:2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni’t pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.

Gawin sana natin na ang Parliament on the Streets ay ang pinakahuli nating sandata sa mga namumunong nagbibingi-bingihan. Ang Dios naman na ating kakampi ay hindi tayo pababayaan.

Ps 12:5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.

Sa mga nanalong kandidato, sumainyo ang aking taos pusong pagbati at kasiyahan nawa kayo ng poong maykapal sa inyong panunungkulan. Mabuhay!

  1. May 13 at 12:14 pm

    hello po kumusta??? tagal nyo pong walang bagong post. na-miss q yun hehehhe

    Like

  2. Len
    May 14 at 8:18 am

    yey, tapos na ang halalan, sana naman matupad lahat ng pangako! hehe

    Like

  3. May 14 at 2:53 pm

    sabi nga po nila iba-ibang mukha ang nakikita ngunit ang istilo ng korupsyon ang pare-pareho lang… kelan kaya ito matitigil?

    Like

  4. May 21 at 1:32 pm

    sabi nga po nila iba-ibang mukha ang nakikita ngunit ang istilo ng korupsyon ang pare-pareho lang… kelan kaya ito matitigil?
    +1

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: