Archive

Posts Tagged ‘langit’

Happy Birthday in Heaven

Dito maraming magtataas na ahit ang kilay lalo na ang mga hindi tuli ang puso. Marapat bang batiin ang isang patay ng happy birthday in heaven samantalang ang sabi ng kasulatan ang pagibig ng patay na tao kasama ng kanyang selos ay nailibing din sa limot?

Ecclesiastes 9:5 For the living know that they shall die: but the dead know not any thing, neither have they any more a reward; for the memory of them is forgotten.

Ecclesiastes 9:6 Also their love, and their hatred, and their envy, is now perished; neither have they any more a portion for ever in any thing that is done under the sun.

Kung ang ibig sabihin ng pagbati ay ipa alam sa madlang people na mahal mo pa rin siya, diyan wapakels ang iba at ako din, pero kung gusto mong ipaalam sa namatay na love mo pa rin siya, aba’y nahihibang ka na at ang malala ay yung pupunta ka sa puntod at kakausapin mo pa.

“Love andito ako, sana masaya ka diyan, huwag mong pabayaan sarili mo ha? Dinalhan kita ng paborito mong alak at pulutan. “

Biro mo kung lahat ng namatay sa mundo iinom at mamumulutan, aba’y tiba-tiba ang wine at food industry. Baka nga pati mga buhay wala ng mainom at makain. 😂

Deuteronomy 18:10 There shall not be found among you anyone who burns his son or his daughter as an offering, anyone who practices divination or tells fortunes or interprets omens, or a sorcerer

Deuteronomy 18: 11 or a charmer or a medium or a necromancer or one who inquires of the dead,

Deuteronomy 18:12 for whoever does these things is an abomination to the Lord. And because of these abominations the Lord your God is driving them out before you.

Karumaldumal sa Dios ang makipagusap ka sa patay. Sana getz mo at getz ko din at nila para parehas tayong lahat na maging dapat sa Dios. 🙏