Archive

Posts Tagged ‘contribution’

Contribution

Ang isang samahan na nasa Dios ay hindi tumatanggap ng anoman o tulong na salapi kaninoman. Hindi sa Dios ang mga ganitong samahan na kahit kanino na lamang ay humihingi.

Mt 10:8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.

3 Jn 1:7 Sapagka’t dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

Hindi rin sa Dios ang mga samahan na nagpapatupad ng abuloy o tithes na sampung (10%) bahagi ng tinatangkilik, sapagka’t ito’y nag-uutos ng takdang halaga na taliwas sa utos ng sariling pagpapasya.

2 Cor 9:7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

May mga ipinapatupad na bawal kainin at ipinagbabawal ng Espiritu Santo sa lahat ng mga nananampalataya lalong lalo na sa kagaya nating mga Gentil.

Acts 15:28 Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:

Acts 15:29 Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

Ang balot ay isang halimbawa ng pagkain na namatay sa sarili at bawal na kaiinin ng isang sumasampalataya kay Cristo.

Ang dinasalang pagkain ng mapagpaimbabaw na pari o pastor na nag-iibig manalangin ng nakatayo upang makita ng mga tao ay di dapat kainin ng isang sumasampalataya kay Cristo.

Ang pagkain na galing sa isang Pista ay inihanda dahil sa mga santo at hindi sa Dios, hindi ito nararapat kainin ng isang Kristiyano.

Ang mga ito ay maliwanag na halimbawa ng kasalanang pakikiapid at mga laban sa aral ng espiritu.

2 Cor 6:15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

Sapagka’t ang kasalanang nagawa laban sa Espiritu Santo ay hindi ipinatatawad kailanman ng Dios.

Mt 12:31 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.

Maliban sa ipinagbabawal ng Espiritu Santo ang lahat ng pagkain ay dapat kainin kung tinatanggap ng may pagpapasalamat maging ito’y anyaya ng hindi sumasampalataya.

1 Cor 10:27 Kung kayo’y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.