Archive

Posts Tagged ‘maria’

Blessed

Noong ako’y bata pa, may natatandaan akong nag-iisang verse ng Bible na nire-recite ko pa nguni’t ngayon ko lang naiintindihan ng buong-buo.

Mt 5:8 Blessed are the pure in heart: for they shall see God.

Sigurado ako na ang sinabing ito ni Cristo ay para lamang sa mga tao sapagka’t Siya kabilang nang mga Anghel sa langit ay nakikita ang Dios Ama ng mukhaan. Sa katunayan maging si Satanas ay nakakakita rin ng Kanyang mukha habang nagsusumbong ito sa Kanyang harapan araw at gabi..

Rev 12:10 And I heard a loud voice saying in heaven, Now is come salvation, and strength, and the kingdom of our God, and the power of his Christ: for the accuser of our brethren is cast down, who accused them before our God day and night.

Yung mga mahilig magsumbong diyan o kaya e sipsip ng sipsip dahil isinusulong ang sarili sa ikapapahamak ng iba, tiyak na tiyak na kayo’y mga kalahi ni Satanas.

Ating inaantay si Cristo sa kanyang muling pagbabalik upang tayo naman katulad nilang nakakakita sa Ama ay makakita rin ng mukhaan.

1 Cor 15:25 For he must reign, till he hath put all enemies under his feet.

Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari sa loob ng isang libong taon hanggang sa ibigay niya ang lahat ng kapamahalaan sa Dios Ama.

1 Cor 15:24 Then cometh the end, when he shall have delivered up the kingdom to God, even the Father; when he shall have put down all rule, and all authority, and power.

Kaya nga kinakailangan na tuparin natin ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo at ipakilala niya sa atin ang Ama.

1 Tim 6:15 Which in his times he will show who is the blessed and only Potentate, the King of kings, and Lord of lords;

Pansamantala sa loob ng isang libong taon, si Cristo muna ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon hanggang sa ito’y kanyang isuko sa Ama. Hindi ito puedeng ihalintulad sa kapamahalaan ng tao dito sa lupa na kapag ang amang hari ay namatay ang anak ang magiging hari, sapagka’t sa relasyong Dios at Cristo, ang Dios Ama ay walang kamatayan.

1 Tim 6:16 Who only hath immortality, dwelling in the light which no man can approach; whom no man hath seen, nor can see: to whom be honor and power everlasting. Amen.

Walang taong nakakita kailanman sa Ama sapagka’t ito’y katuparan na magaganap lamang sa hinaharap sa pamamagitan ni Cristo sa kanyang muling pagparito.

Mga bobo at tanga lamang ang mga nagsasabing si Maria ay nasa langit na. Ang mga ito ay mga nag-aaring guro ng katuwiran nguni’t mga walang unawa sa kasulatan.

Lk 11:27 And it came to pass, as he was speaking these things, a certain woman of the company lifted up her voice, and said to him, Blessed is the womb that bore thee, and the paps which nourished thee.

Lk 11:28 But he said, Yes, rather blessed are they that hear the word of God, and keep it.

Ngayon sino ang mas mapalad, si Maria o tayo na sinasabi ni Cristo na lalong mapapalad na nangakikinig ng salita ng Dios, at ito’y ginaganap. Tigilan na ninyo ang kalokohang si Maria ang tagapamagitan, kung gusto ninyong maging dapat. Makinig kayo sa sinasabi ng kasulatan huwag sa mga sinasabi ng mga Pari at mga Pastor na bulaan.