Home > Kaalaman > Buhok

Buhok

Sa ating pagtanda ay dalawa lamang ang kahihinatnan ng ating mga buhok. Maaring itoy pumuti o malagas at makalbo.

Ngunit alam niyo ba na mahalaga pala sa babae ang buhok sapagkat itoy tinatawag ng kasulatan na pinakalambong, pangtakip at proteksiyon;

1 Cor 11:15 Datapuwa’t kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka’t ang buhok sa kaniya’y ibinigay na pangtakip.

1 Cor 11:4 Ang bawa’t lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.

Hindi yan yung nanghuhula na katulad ni madam Auring. Sa wikang english e prophesying na katulad ng ginagawa ng mga propeta.

1 Cor 11:5 Datapuwa’t ang bawa’t babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka’t gaya rin ng kung kaniyang inahitan.

Ang buhok na ito rin pala ay tanda ng kapamahalaan na proteksiyon ng isang babae sa mga masasamang anghel.

1 Cor 11:10 Dahil dito’y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel.

Maaaring maitanong ninyo, bakit ano naman ang kinalaman ng anghel sa buhok ng isang babae? Pakikialaman sila kasi ng mga masasamang anghel kung wala silang tanda ng kapamahalaan ng Dios.

Gen 6:1-2 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

Gen 6:4 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.

At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kanilang puso ay pawang masama lamang na parati kaya ito’y kanyang nilipol sa pamamagitan ng pagbaha ng tubig at itinira ang walong (8) tao kabilang na si Noe.

Nakakita ka na ba ng nananalangin na may belo o turban sa buhok. Hindi Vicky Belo ang sinasabi ko. Maiba ako sandali, speaking of her, nagkabalikan na ba sila ni Hayden Kho?๐Ÿ˜†

Bakit sila may belo o turban, proteksiyon yun saan? May paliwanag ba ang Bibliya tungkol diyan? o katha lamang ng taong mga walang unawa sa kalooban ng Dios? Magisip tayo, kung proteksiyon din nila ito di sa paglabas nila sa bahay dalanginan o kaya e naligo di wala na o tanggal na yung proteksiyon nila? Maliban na lang kung nakasuot pa rin ng belo o turban habang naliligo.๐Ÿ˜† Hindi kaya natutulog ang kalaban at nagpupuyat din sila.

1 Pet 5:8 Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

Kaya mga Tsong, kung gusto mo na yung girlfriend mo o yung asawa at mga anak mong babaeย  ay huwag malapitan ng masasamang anghel, di huwag mo silang pagupitan. Maliban na lang kung laban ka o tutol sila sa aral ng Dios.

Bibliya ang batayan, Salita ng Dios lamang ang pakinggan.

Jn 8:47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios.

Categories: Kaalaman Tags: , , , , , ,
  1. January 14 at 4:03 am

    haha, nsama pa talga si belo at hayden ko.. hehehe

    basta alam ko, dagdag ganda points kapag mganda ang hair ng babae..๐Ÿ™‚

    Like

    • kaspangarigan
      January 14 at 7:20 am

      Maganda naman talaga kapag mahaba kaysa maikli na mas pogi ka pa sa boyfriend mo o husband kaya. Di ako sure.

      Pero yang buhok mo mahaba naman ah. Nagpa-rebond ka ba?

      Like

      • January 18 at 8:28 am

        ahaha, oo nagpa rebond nga ako.. hehehe๐Ÿ™‚

        Like

  2. January 14 at 5:28 am

    Bibliya ang batayan, Salita ng Dios lamang ang pakinggan

    like it๐Ÿ™‚

    Like

    • kaspangarigan
      January 14 at 7:23 am

      Glad you like it.

      Mabuhay.

      Like

  3. January 15 at 4:48 pm

    galing naman..dami mo sigurong alam parte sa bibliya..

    Like

    • kaspangarigan
      January 15 at 5:27 pm

      Ang kaloob sa isang taong nagmamahal at tumatalima sa utos ng Dios sa pamamagitan ni Cristo ay di masayod ng kaalaman.

      Eph 3:16 Upang sa inyo’y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;

      Eph 3:17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo’y magugat at magtumibay sa pagibig.

      Eph 3:18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,

      Eph 3:19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo’y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.

      Like

  4. January 17 at 4:20 am

    hahaha belo + hayden = nice! hehe

    Like

    • kaspangarigan
      January 17 at 7:08 am

      Salamat sa pagtambay at pag-iskor.๐Ÿ˜›

      Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: